top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

P292.5-M at 2000 pts naghihintay sa Wimbledon Open champion

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | June 25, 2026



BUMANAT na kagabi ng 10 p.m. ang doubles match ng tambalan nina Alex Eala at legendary Venus Williams kasagupa sina  Catherine Harrison at Alexandra Osborne sa first round ng Bad Homburg tournament sa Germany.

Photo: Bumanat na kagabi ng 10 p.m. ang doubles match ng tambalan nina Alex Eala at legendary Venus Williams kasagupa sina  Catherine Harrison at Alexandra Osborne sa first round ng Bad Homburg tournament sa Germany. 



Tumataginting na P292.5-M na papremyo at 2000 ranking points ang naghihintay sa magiging kampeon ng prestihiyosong grass-court Tournament na 2026 Wimbledon Open, na lalahukan ni No. 29 seed Alexandra “Alex” Eala simula Hunyo 29 hanggang Hulyo 12 at gaganapin sa All England Lawn Tennis and Croquet Club (AELTC) sa Wimbledon, London.


Ito ang malaking pagkakataon para sa Filipina tennis champion na maipamalas ang kahusayan sa grass-court competition. 


May kabuuang 64.2-M pounds o 85.7 million dollars ang kabuuang prize pool, kung saan makakatanggap ang bawat kampeon sa men’s at women’s ng 3.6-M pounds o mahigit 292 milyong piso, habang ang runner-up ay may £1.6M o P146-M, samantalang ang mga semifinalists ay makakakuha ng £900 thousand o P76-M.


Makatatanggap ang mga malalaglag ng maaga sa first rnd (rnd-of-128) ng E80 thousand o P6.5-M; 2nd rnd (rnd-of-64) ng E126K o P10.2-M; 3rd rnd (rnd-of-32) ng E185K o P15-M; 4th rnd (rnd-of-16) ng E300K o P24.3-M; at q'finalists (Top-8) ng E480K o P38.9-M.  


Makakakuha ng malalaking ranking points ang mga magkakampeon sa Wimbledon sa 2,000 puntos, habang may 1,300 para sa runner-up, gayundin ang 800 points para sa dalawang semifinalists. Mayroon ding puntos na 400 para sa q'finalists; 200 pts sa round-of-16; 100 pts sa round-of-32; 50 pts sa round-of-64 at 10 pts sa round-of-128.


Matapos maagang yumuko sa Bad Homburg Open single match kontra World No. 26 Elise Mertens ng Belgium sa rnd-of-32, 3-6, 3-6, kung saan nag-uwi ito ng €11,309 premyo at puntos sa ranking points, nakatuon ang pansin ng 21-anyos na 2x WTA 125 titlist sa women's doubles, katambal si tennis great Venus Williams, laban kina Catherine Harrison ng US at Alexandra Osborne ng Australia.          


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page