top of page
Search
  • BULGAR

P28.09B housing loan, inilabas ng Pag-IBIG Fund sa Q1 ng 2024

ni Fely Ng @Bulgarific | May 20, 2024



File photo


Hello, Bulgarians! Ang pag-release ng home loan ng Pag-IBIG Fund sa unang quarter ng 2024 ay umabot sa P28.09B — ang pinakamataas na halagang inilabas ng ahensya para sa panahon ng Enero hanggang Marso sa kasaysayan nito, na inihayag ng mga nangungunang opisyal nito sa North Luzon leg of the Stakeholders Accomplishment Report (StAR) noong Mayo 10 (Biyernes).


Mula Enero hanggang Marso, ang halaga ng mga pautang sa pabahay na inilabas ng ahensya ay tumaas ng P520.81 milyon kumpara sa P27.57 bilyon na home loan na inilabas noong kaparehong panahon sa 2023. Ang halagang inilabas para sa unang tatlong buwan ng taon ay nagbigay sa 19,817 miyembro na magkaroon ng sariling tahanan.


“Pag-IBIG Fund’s performance for the first quarter of 2024 now stands as the highest in our history. This means that Pag-IBIG Fund continues to serve more Filipino workers over the years, enabling their members to have homes that they can call their own. This is in line with the government’s efforts of resolving the housing backlog and providing a better quality of life for Filipinos,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Pinangunahan ni Pag-IBIG Chief Executive Officer Marilene C. Acosta ang Pag-IBIG Fund sa pagsasagawa ng semi-annual stakeholder engagement event na ginanap sa mga pangunahing rehiyon upang i-update ang mga miyembro, employer, at partner-developer, hinggil sa estado ng pondo. 


Bukod sa mga nagawa sa unang quarter, iniulat din ni Acosta na nakamit ng ahensya ang isa pang banner year noong 2023, na naglabas ng P126.04 bilyon sa shelter financing -- isang 7% pagtaas mula sa P117.85 bilyon na pinondohan nito noong 2022.


“We thank our stakeholders, namely the business community, for the timely remittance of their employees’ monthly savings and loan payments, our partner developers in building and delivering quality housing projects and accounts, our members who continue to save with us and choose our loan programs, and our borrowers for their prompt payment on their loan obligations. Their trust and support have always been instrumental in sustaining our growth and record-high achievements, and more importantly, in furthering our goal of providing access to affordable homeownership to more Filipino workers,” dagdag pa ni Acosta.


Ang Pag-IBIG stakeholder engagement sessions ay nagsimula sa NCR sa SMX Convention Center noong Abril 16 at mula noon ay ginanap naman sa Davao City para sa Mindanao leg, Cebu City para sa Visayas leg, at Alabang para sa South Luzon. Ang North Luzon leg na ginanap sa Clark, Pampanga ay ang huling serye ng stakeholder engagement para sa unang semestre. Ang semi-annual event na ito ay dinaluhan ng higit sa 2,000 stakeholders sa buong bansa.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page