P27.4B budget insertion para kay Romualdez — Witness

by Jeff Tumbado @News | November 10, 2026

Photo: Martin Romualdez - BJMP
Umabot umano sa P27.4 bilyon ang halaga ng 444 na proyektong ipinasok sa 2025 national budget para kay dating House Speaker Martin Romualdez, ayon sa testimonya ni dating DPWH Programming Division Chief Peter Paul Cortez sa Sandiganbayan nitong Lunes, Nobyembre 9.
Sa pagdinig sa aplikasyon ni Romualdez para sa piyansa kaugnay ng kasong plunder, sinabi ni Cortez na sina Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang nakatalang proponents ng mga proyekto sa DPWH database.
Ayon sa testigo, ang mga pangalan ng dalawa ay ibinigay umano ng yumaong dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
Kinumpirma rin ni Cortez na naisama ang mga proyekto sa pinal na 2025 General Appropriations Act (GAA) kahit hindi dumaan sa regular na proseso ng DPWH.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano'y P7.44 bilyong kickback.





Comments