top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg

P24.3-M inangkin ni Eala sa Wimbledon Rnd-of-16

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 1 min read

by Gerard Arce @Sports News | July 6, 2026



Si Sharina Lleses sa isang mainit na aksiyon sa AVC Cup U18 na pakay makabawi sa Indonesia makaraang mabigo sa Japan sa labang ito sa Thailand.

 

 


Nakasisigurong makapag-uuwi ng P24.3 milyon si Filipina tennis champion Alexandra “Alex” Eala sa pagpasok sa 4th round o round-of-16 kontra sa Italian tennister at World No. 17 na si Jasmine Paolini, sa kanilang rematch ngayong gabi (oras sa Pilipinas) sa prestihiyosong Wimbledon Open Championship na ginaganap sa All England Lawn Tennis and Croquet Club (AELTC) sa London, England.


Patuloy sa pagkamal ng papremyo si Eala na puntirya ring mapaangat pa ang makukuhang cash prize na maaaring umabot pa sa 480 thousand Euro o P38.9-M sakaling makatuntong sa quarterfinals.  Ipinagpapatuloy ng 21-anyos na si Eala ang pag-ukit ng kasaysayan sa professional league ng Women’s Tennis Association (WTA) kasunod ng panibagong malaking panalo kontra World No.3 at third seed na si Iga Swiatek ng Poland sa iskor na 7-6 (11), 6-2, hatinggabi ng Sabado sa round-of-32.


Ito ang ikalawang pagkakataon na pinadapa ng 2022 Hangzhou Asian Games double bronze medalist ang defending Wimbledon champion habang nabawian ito sa 2025 Madrid Open. “I’m really emotional. For someone like Iga, who has won so many Grand Slams, this achievement may seem small, but for someone who grew up in the Philippines, it is huge," pahayag ng 5-foot-9 Pinay sa panayam matapos ang laro. 


Unti-unting binibitbit ni Eala ang bandila ng Pilipinas sa ibang bansa, na produkto ng Rafa Nadal Tennis Academy sa Mallorca, Spain, na kasalukuyang inihahanay sa mga batikan at sikat na atleta ng Pilipinas na sina 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao, Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel “Caloy” Yulo, at kauna-unahang Olympic gold medal winner Hidilyn Diaz-Naranjo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page