top of page
Search

by Info @News | January 20, 2026



Bong Revilla sa Camp Crame - Circulated FB - Negrosanon Stories

Photo: Bong Revilla sa Camp Crame - Circulated / FB



Tiniyak ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na dumaan sa tamang proseso ang pagsisilbi ng warrant of arrest na inilabas ng 3rd Division ng Sandiganbayan para kay dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.


Kasunod ito ng pagsuko ng dating senador sa kanilang tanggapan nitong Lunes ng gabi, Enero 19, dahil sa pag-aanunsyo ng Office of the Ombudsman sa paglabas ng warrant laban sa kanya ng Anti-Graft Court.


Ayon sa PNP, unang sumailalim sa medical procedure si Revilla na bahagi ng proseso bago siya basahan ng ‘miranda rights’ at isailalim sa booking and documentation.


 
 

by Info @News | October 18, 2025



Atong Ang / DOJ

Photo:Atong Ang / DOJ



Hiniling ng negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang sa Department of Justice (DOJ) na ibalik sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang imbestigasyon ng kaso ng mga nawawalang sabungero.


Sa kanyang sinumpaang salaysay na isinumite sa DOJ, si Ang, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Gabriel Villarreal, iginiit niyang ibalik ang kaso sa CIDG para sa wasto at walang kinikilingang imbestigasyon.


Sinabi ni Gabriel na tanging isang kapani-paniwalang reinvestigation ng kaso ng pulisya ang hahantong sa isang matibay na pagbuo ng kaso ng DOJ panel, na katanggap-tanggap sa lahat ng partido.


Kasama ang kanyang mga abogado, lumantad si Ang sa DOJ upang ihain ang kanyang sinumpaang kontra-salaysay na nagpapabulaan sa lahat ng mga paratang na ibinato laban sa kanya ng nagpakilalang whistleblower na si Julie "Dondon" Patidongan.


Sinabi ni Gabriel na walang sala si Ang sa lahat ng mga akusasyon na ibinato sa kanya ni Patidongan, na sinabi nilang tunay na utak ng karumal-dumal na krimen.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 14, 2023




Nagsampa ng reklamong kidnapping at serious illegal detention laban sa mga suspek na sangkot sa pagkawala ng kandidata sa pagka-beauty queen na si Catherine Camilon.


Kabilang sa mga suspek ang sinasabing karelasyon ng biktima na si Police Major Allan de Castor, at driver- bodyguard niyang si Jeffrey Magpantay.


May dalawa pang kasabwat ang mga suspek na hindi pa nakikilala.


Ayon sa direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na si Police Major General Romeo Caramat Jr., sinasabing kikitain ni Camilon si De Castro nang araw na mawala ito nu'ng Oktubre sa Batangas.


Aniya, nais na raw makipaghiwalay ni Camilon sa pulis na puwedeng naging rason ng kanilang pag-aaway.


Kasalukuyang nasa kostudiya ng mga awtoridad si De Castro at pinaghahanap pa si Magpantay na umano'y nanutok ng baril sa mga saksi ng ginawa nilang paglipat kay Camilon sa ibang sasakyan.


Kinumpirma ng mga saksi na ang beauty queen ang nakita nila at parehas ang sasakyan nito sa lumabas sa mga report.


Hindi pa nakikita ang sasakyan ng biktima at umaasa ang mga awtoridad na buhay pa si Camilon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page