top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P20-K multa at 5-yrs na pagkakakulong sa magsusulat sa perang papel ng Pilipinas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 16, 2021



Dear Chief Acosta,

Ang isang mamimili sa aking tindahan ay nagbabayad ng may sulat na perang papel. Minsan nahuli ko siya sa aktong nagsusulat sa kanyang perang papel habang naghihintay sa kanyang binibili. Nais kong malaman kung ang kanyang ginagawa ay labag sa batas bago ko siya pagsabihan. – Sabel


Dear Sabel,

Ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Presidential Decree No. 247 o mas kilala sa tawag na “Prohibiting and Penalizing Defacement, Mutilation, Tearing, Burning or Destruction of Central Bank Notes and Coins”, kung saan nakasaad na:


“1. That it shall be unlawful for any person to willfully deface, mutilate, tear, burn or destroy, in any manner whatsoever, currency notes and coins issued by the Central Bank of the Philippines; and


2. That any person who shall violate this Decree shall, upon conviction, be punished by a fine of not more than twenty thousand pesos and/or by imprisonment of not more than five years.” (Binigyang-diin)


Sa sitwasyong ito, ang pagsulat ng inyong mamimili sa perang papel ng Pilipinas ay labag sa batas dahil maituturing itong defacement at ang sinumang mapatutunayang gumawa nito ay parurusahan ng multa na hindi hihigit sa P20, 000 at/o pagkakakulong na hindi hihigit sa limang taon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page