P20-K multa at 2 yrs. na pagkakakulong sa magsusunog sa forest land

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 25, 2020
Dear Chief Acosta,
Nagtapon ng upos ng sigarilyo ang kaibigan ko sa forest land kung saan kami namasyal. Nagdulot ito ng sunog sa nasabing lugar. Ano ang maaari niyang kaharapin na kaparusahan sa pangyayaring ito? – Santi
Dear Santi,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree (PD) No. 705, o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 69 ng batas na ito na:
“Section 69. Unlawful occupation or destruction of forest lands. Any person who enters and occupies or possesses, or makes kaingin for his own private use or for others any forest land without authority under a license agreement, lease, license or permit, or in any manner destroys such forest land or part thereof, or causes any damage to the timber stand and other products and forest growths found therein, or who assists, aids or abets any other person to do so, or sets fire, or negligently permits a fire to be set in any forest land shall, upon conviction, be fined in an amount of not less than five hundred pesos (P500) nor more than twenty thousand pesos (P20, 000) and imprisoned for not less than six (6) months nor more than two (2) years for each such offense, xxx” Ayon sa nasabing batas, ang sinumang magsusunog sa forest land o hinayaang masunog ito dahil sa kapabayaan ay pagmumultahin ng P500 hanggang P20,000 at pagkakulong ng hindi bababa sa anim (6) na buwan at hindi hihigit sa dalawang (2) taon bawat pagkakasala.
Samakatwid, ipinagbabawal ng batas na ito ang pagsunog sa forest land kahit na ito ay hindi sinasadya ng sinuman lalo kung ito ay nagdulot ng pinsala sa nasabing lugar.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments