P2 dagdag-presyo sa gasoline, P1 diesel
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni V. Reyes | June 28, 2026

Photo File
Asahan ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito kasunod ng muling pag-init ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa source mula sa industriya ng langis, posibleng madagdagan ng P2 kada litro ang halaga ng gasoline habang piso ang itataas sa bawat litro ng diesel.
Ang pagtataya ay ipinalabas ilang oras matapos ang pag-atake ng Estados Unidos sa Iran bilang tugon sa Iranian drone strike sa isang cargo ship sa Strait of Hormuz.





Comments