P2 bilyon budget sa kampanya… MAYOR ISKO, SUPORTADO NG MGA CHINESE BUSINESSMEN SA
PAGKA-PANGULO.
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 29, 2021

Ayon kay Yorme Isko Moreno, ang sinumang tatakbo sa pagka-presidente sa 2022 elections ay kailangang maglaan ng P2 billion para sa kanyang campaign fund. Kaya, ayaw pa niyang magdeklara kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon.
Pero, may bali-balitang susuportahan si Yorme Isko ng malalaking Chinese businessmen. Na-impressed daw ang mayayamang negosyanteng Intsik sa magagandang ginagawa ni Yorme Isko sa Lungsod ng Maynila.
At ngayon pa lamang ay bumubuhos na ang tulong ng mga negosyante sa mga projects ni Yorme Moreno. May isang grupo na nag-donate ng P20 million at ito ay gagamitin sa pagpapatayo ng dialysis center sa Sta. Ana, Manila.
Open sa publiko ang lahat ng donasyon para sa Maynila. Si Yorme Isko mismo ang nagre-report nito sa publiko. Transparent ang lahat ng kanyang transaction, kaya alam ng mga Manileños kung saan-saan napupunta ang mga donasyon.





Comments