P1M ang TV, mala-luxury store ang walk-in closet… MANSION NG MGA PACQUIAO SA GENSAN AABOT NG P1 B!
- BULGAR
- Dec 15, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | December 15, 2023

Nagpa-house blessing ng bago nilang mansion ang mag-asawang Manny and Jinkee Pacquiao few days ago.
Ang bagong tayong mansion ay matatagpuan sa Sarangani, General Santos. Ito ang pangatlong mansion na pag-aari ng mag-asawa. Ang dalawa pa nilang mansion ay nasa California, USA at Forbes Park, Makati City.
Napanood namin ang mga videos na naka-upload sa Facebook page ng ilan sa mga naimbitahan nina Manny at Jinkee to witness ang pa-house blessing nila.
Although, early this year pa lang ay panay na ang posts ni Jinkee mula construction pa lang ng bahay hanggang sa matapos.
At sa recent Instagram post ni Jinkee ay ipinasilip na niya ang kabuuan ng bago nilang mansion sa GenSan.
Caption ni Jinkee sa kanyang IG post, “House dedication. Thank you, Lord, for everything!”
Very spacious ang buong bahay kaya naman bawat area, pati na ang room, ay ang lalaki rin.
At sa sobrang laki nga, meron ang mansion not just one but two swimming pools. May pool sa itaas sa labas ng rooms ng pamilya at isa sa ibaba.
Pinakabongga para sa amin ang bedroom nina Manny at Jinkee. Bukod sa napakaluwag na kuwarto, ang laki-laki rin ng katabi nito na kani-kanyang walk-in closet ng mag-asawa.
Kabog ng walk-in closet ni Jinkee ang mga tindahan ng luxury stores, huh? At saka not just one expensive luxury brand ang mga gamit ni Jinkee, ‘noh?
Sa itaas ng glassed-cabinets ni Jinkee ay nakahilera naman ang paper bags ng mga binuysung niya na bags, shoes, dress and accessories from Hermes, LV, Channel at iba pang luxury brand.
Pero ang ikinaloka ng mga netizens ay ang TV set with speakers sa loob ng master’s bedroom. Tumataginting na isang milyong piso lang naman ang presyo.
Bonggacious din ang theater room sa bagong mansion at ang mga milyones na paintings na nakasabit sa malalawak na pader sa buong bahay.
Kaya kung susumahin ang total price ng bagong mansion ng mga Pacquiao, aabot ang halaga nito ng P1B.
Bonggabels talaga sina Manny and Jinkee.








Comments