top of page
Search
BULGAR

P1K monthly pension para sa indigent senior citizen

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 14, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ako ay mag-aanimnapung taong gulang na sa darating kong kaarawan nitong Mayo. Mayroon ba talagang matatanggap na isang libong piso kada buwan ang mga senior citizen?  Kahit magse-senior na ako ay hindi ko pa balak magretiro sa aking trabaho dahil may apo pa akong pinag-aaral. Kung sakali, makatatanggap pa rin kaya ako ng benepisyong iyon? Sana ay malinawan ninyo ako. – Rico


 

Dear Rico,


Ang isa sa mga tulong na ipinagkakaloob ng ating pamahalaan sa mga senior citizen ay ang mandatory social pension na sa ngayon ay halagang isang libong piso, ngunit maaaring taasan sa mga darating pang mga taon. Gayunpaman, ang nasabing benepisyo ay hindi ibinibigay sa lahat ng mga senior citizen. Bagkus, para lamang ito sa mga indigent senior citizens. Para sa kaalaman ng lahat, nakasaad sa Republic Act (R.A.) No. 11916, o ang “Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens” ang sumusunod:


“Section 5. Government Assistance. — The government shall provide the following: x x x

(h) Additional Government Assistance

(1) Mandatory Social Pension

Indigent senior citizens shall be entitled to a monthly stipend amounting to not less than One thousand pesos (P1,000.00) to augment the daily subsistence and other medical needs of senior citizens.


The DSWD shall, subject to the approval of the Department of Budget and Management (DBM), in consultation with other stakeholders, review and, when necessary, adjust the amount of the social pension every two (2) years after the effectivity of this Act, taking into account the present consumer price index as published by the PSA and relevant economic indicators, as reported and published by pertinent government agencies and authorities.

x x x” 


Ipinaliwanag sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A. No. 11916 ang kahulugan ng indigent senior citizens:

“SECTION 4. Definition of Terms. — For purposes of these Rules, the terms are defined as follows: x x x

c) Indigent Senior Citizen — refers to any elderly/older person who is frail, sickly, or with disability, and without any pension or permanent source of income, compensation or financial assistance from his/her relatives to support his/her basic needs, as determined by the NCSC or, pending transfer of the Social Pension Program to the latter, by the DSWD, in consultation with the Philippine Statistics Authority (PSA).”


Kaugnay nito, magiging kuwalipikado ka lamang na makatanggap ng nasabing buwanang stipend na isang libong piso kung ikaw ay isa nang senior citizen, mahina na ang pangangatawan, sakitin o may kapansanan, at wala nang permanenteng pinagkakakitaan, pensyon o hindi ka nakatatanggap ng pinansyal na tulong sa iyong mga kaanak para sa iyong mga payak na pangangailangan. Sa kabilang banda, kung ang iyong kondisyon o sitwasyon ay hindi pasok sa alinmang bahagi ng depinisyon na nakasaad sa nabanggit na tuntunin, hindi ka maaaring makatanggap ng naturang benepisyo.


Nais na rin naming banggitin na ang buwanang benepisyo na ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng cash, direct remittance, electronic transfer, at iba pang praktikal na pamamaraan.  Ito ay alinsunod sa Section 3 ng R.A. No. 11916:


“Section 3. Form and Manner of Payment. — The monthly stipend shall be released to target beneficiaries either in cash, direct remittance through the engagement of a service provider duly accredited by the Bangko Sentral ng Pilipinas, electronic transfer, or other modes of delivery, whichever is more practical and acceptable to the beneficiary, ensuring its release in the most expeditious and efficient manner.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page