top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P17K tiket, sulit naman daw… CONCERT NG EHEADS, 12 ORAS

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 6, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 6, 2022



Marami ang nagulat at nadismaya sa sobrang mahal ng ticket sa upcoming Eraserheads concert.


Hindi raw ito kayang ma-afford ng mga ordinaryong tagahanga ng sikat na banda, kahit pa may mga trabaho na ang mga ito.


Hindi nila uunahin ang panonood ng concert dahil priority pa rin ang essential needs ngayon.


Sobrang OA naman daw sa mahal ang presyo ng ticket sa Eraserheads concert na P17 thou ang pinakamahal. Presyong pang-BTS concert na raw 'yun.


Kaya naman labis ang panghihinayang ng mga tagahanga ng Eraserheads dahil hindi nila mapapanood ang pinakaaabangang reunion concert ng banda.


Pero, depensa naman ng producers ng Eraserheads concert, worth it ang ibabayad dahil mistulang marathon concert ang mangyayari sa dami ng guest bands na magpe-perform. Balitang ang concert ay mag-i-start ng 11 AM at aabot hanggang 11 PM. Totoo naman kaya ito?!


Say naman ng ilang netizens, bakit namamahalan tayo sa Eraserheads concert ticket, eh, 'pag Korean pop stars ang nagko-concert dito sa 'Pinas ay gumagastos nang malaki ang mga Pinoy fans kahit pagkamahal-mahal ng ticket?


Pati nga ang mga artista, nanonood at nagbabayad para lang mapanood ang kanilang mga idolong K-Pop stars.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page