P17.27B inilabas ng DBM para sa mabilis na konstruksyon ng 4,960 klasrum
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Lulet Abania @News | April 22, 2026

Photo: File / DepEd PH
Ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Martes, Abril 21 na inaprubahan nito ang pagre-release ng P17.27 bilyon sa Department of Education (DepEd) para mapabilis ang konstruksyon ng 4,960 klasrum sa buong bansa.
Ayon sa ahensya, inaprubahan ni DBM Secretary Rolando Toledo ang isang Special Allotment Release Order (SARO) para sa layuning ito noong Abril 13, 2026.
Ang naturang halaga ay magpopondo sa pagtatayo ng libu-libong silid-aralan sa buong bansa, kabilang ang pagkakaloob ng mahahalagang school furniture at mga kagamitan.
Sinabi pa ng DBM na ang inilabas na pondo ay mula sa P85.40 bilyong Basic Education Facilities (BEF) Fund sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA).




Comments