P15 K para sa mga health workers na nagka-COVID, ibibigay na
- BULGAR

- Nov 4, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 4, 2020

Pinoproseso na ng gobyerno ang tinatayang 449 claims sa sahod ng mga health workers na tinamaan ng COVID-19 habang sila ay nagseserbisyo at nagtatrabaho kasabay ng pakikipaglaban sa sakit na ito.
Makatatanggap ang mga health workers, kung saan nagkaroon ng mild o moderate cases ng Coronavirus ng financial assistance na P15,000 bawat isa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas na ikalawang report sa Congress para sa ipinatutupad na Bayanihan to Recover as One Act.
Ayon kay Pangulong Duterte, agad na ibibigay ang mga tseke sa mga health workers kapag nagkabisa na ang mga guidelines na inihanda ng Department of Health (DOH) at ng Department of Budget and Management (DBM). Nailathala na ang mga panuntunan noong October 22 ay magiging epektibo 15 araw matapos ang publication nito.
Gayundin, ang Bayanihan 2 ay nagbibigay ng compensation sa halagang P100,000 para sa severe o nasa kritikal na kondisyon ng nasabing sakit na mga health workers at P1 million sa mga namatay.





Comments