top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P14-K multa sa amo na manghihingi ng deposito sa kasambahay

BULGAR
Sep 27, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 27, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako ay mamamasukan bilang kasambahay at magsisimulang magtrabaho sa susunod na linggo. Sinabihan ako ng aking amo na bago ako magsimula, kailangan kong magbigay sa kanya ng deposito na sasagot kung sakaling makawala o makasira ako ng kagamitan sa kanyang tirahan. Maaari niya ba itong gawin? - Daday


Dear Daday,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 14 ng Republic Act (R.A.) No. 10361, kilala bilang “Domestic Workers Act” or “Batas Kasambahay.” na nagsasaad na:

“SEC. 14. Deposits for Loss or Damage. – It shall be unlawful for the employer or any other person to require a domestic worker to make deposits from which deductions shall be made for the reimbursement of loss or damage to tools, materials, furniture and equipment in the household.”

Ayon sa nasabing probisyon na batas, hindi pinapayagan ang mga amo na hingan ng deposito ang kanilang mga kasambahay na sasagot sa maaaring gastos kung sakaling may masira o mawalang kagamitan ang mga ito sa kanilang papasukan na tirahan. Dahil dito, sa iyong sitwasyon, hindi dapat humingi ang iyong amo ng deposito mula sa iyo na sasagot sa anumang gamit na maaari mong masira o mawala. Ito ay isang akto ng paglabag sa nasabing batas na may kaukulang parusa.

Para sa iyong kaalaman, ang paglabag sa R.A. No. 10361 ay may karampatang parusa na pagbabayad ng multa na nagkakahalaga mula sampung libong piso (₱10,000) hanggang labing-apat na libong piso (₱14,000). Bukod pa ito sa anumang kasong sibil o kriminal na maaaring isampa nang naagrabiyadong partido.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page