top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P14 K lang daw ang sustento kada buwan imbes P100 K… RAYMART, IDINEMANDA NI CLAUDINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 21, 2020




Mukhang may hindi na naman pinagkasunduan ang dating mag-asawang sina Raymart Santiago at Claudine Barretto dahil sinampahan ng kaso ng huli ang ama ng dalawa niyang anak na sina Sabina at Santino.


Kilala kasi si Claudine na kapag galit kay Raymart ay idinadaan ito sa legal na usapan at sa pagkakataong ito ay dahil sa sustentong P100K na hindi raw tinutupad ng isa sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Major Victor Basco.


Sa Prosecutor’s Office ng Marikina City nagsampa ng kaso ang dating aktres dahil sa paglabag umano ni Raymart sa Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262 at economic abuse.

Ayon sa abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio sa kanyang panayam ay hindi raw natutupad ni Raymart ang kasunduan nila noon ng dating asawa na magbibigay ng sustentong P100,000 kada buwan para kina Sabina at Santino.


“Nagbibigay siguro, P14,000 a month, ganu’n. Tapos, wala na,” saad ni Atty. Topacio.


May hearing na itinakda sa Disyempre 10 sa Marikina Prosecutor’s Office at inaasahang magsusumite si Raymart ng kanyang counter-affidavit.


Sana raw ay magkaayos na ang dating mag-asawa at sundin ni Raymart ang kasunduan nila ni Claudine, sabi pa ng abogado.


Samantala, may isyu pang sabit ang kasalukuyang girlfriend ni Raymart na si Jodi Santamaria dahil nakipagrelasyon siya sa aktor gayung hindi pa annulled ang kasal nito kay Claudine?


Napa-"Huh?" kami dahil matagal naman nang hiwalay sina Raymart at Claudine at sa katunayan ay umokey pa nga ang huli sa relasyon ng aktor kay Jodi.


Anyway, hindi kaya isa sa ipinagsisintir ni Claudine ay baka nawawalan na ng oras si Raymart sa kanilang mga anak dahil nauubos sa mga alagang ibon na dinadala pa sa set ng Ang Probinsyano?


Ang huling post ni Raymart na kasama ang anak na si Sabina ay noong Agosto 30 at si Santino naman ay noong kaarawan nito noong Hulyo 19.


Nananatiling bukas ang BULGAR sa panig nina Raymart at Jodi. At sana, pati si Claudine ay mag-react.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page