P110 dagdag-presyo sa LPG, uling tumaas din
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by BRT @News | March 31, 2026

Photo: File
Nakatakdang tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG), ayon sa LPG Marketers Association.
Sa paunang datos, aabot sa P110 ang dagdag sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG, na karaniwang gamit sa pagluluto ng maraming kabahayan.
Samantala, tumaas na rin ang presyo ng uling, na itinuturing na alternatibong pangluto ng ilang mamimili.
Dahil dito, inaasahang madaragdagan ang gastusin ng mga pamilya sa gitna ng patuloy na paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin.




Comments