P11 dagdag-presyo sa diesel... Piso taas-pasahe — LTFRB
- BULGAR

- 3 days ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 19, 2026

Photo: File
Isusumite na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Transportation (DOTr) ang rekomendasyon na P1 na dagdag-pasahe sa mga pampasaherong jeepney kasunod ng inaasahang P11 taas-presyo sa diesel.
Kabilang din sa panukala ang P10 kada litro na fuel subsidy para sa mga kwalipikadong operator at tsuper.
Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, tugon ito sa direktiba ng DOTr na pag-aralan ang dagdag na ayuda para sa transport sector.
Suportado ng LTFRB ang hiling ng mga transport group dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos (US) at Iran.
Naniniwala rin ang ahensya na hindi gaanong mararamdaman ang dagdag-pasahe dahil sa ipinatupad na umento sa minimum na sahod sa National Capital Region (NCR).
Maaari namang bawiin ang dagdag-pasahe kapag bumaba ang presyo ng langis, ngunit kailangan muna itong dumaan sa public hearing.





Comments