top of page
Search
BULGAR

P10k para sa edad 80, 85, 90 at 95, magiging ganap ng batas ngayong Peb. 26

ni Bong Revilla @Anak ng Teteng | Pebrero 2, 2024


Nakatakdang pirmahan ngayong Lunes, Pebrero 26, ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang maging ganap na batas ang iniakda nating panukala na pagkakalooban ng P10,000 ang mga kababayan nating sasapit sa edad na 80 pataas.


Katunayan ay pinadalhan ng Palasyo ang mga senador na dumalo ngayong araw upang saksihan ang isasagawang signing ceremony.


Wala tayong narinig na may ibe-veto siya. In fact, ipinatawag niya ang mga senador at pipirmahan niya ito sa harapan naming lahat ngayong araw.


Ito ‘yung matagal na nating pinapangarap, at least matutupad na kaya we are very thankful sa mahal na Pangulo dahil maipagkakaloob na natin ang matagal na nating pangarap para sa mga senior citizen sa bansa.


Iniakda natin ang Senate Bill No. 2028 upang makatanggap ng P10,000 cash ang mga kababayan nating umabot sa edad na 80 at P20,000 naman sa 90-anyos. Mananatili naman sa P100,000 ang matatanggap ng mga centenarian o ang mga lolo’t lolang nasa 100 taong gulang o mahigit pa. Medyo may pagbabago lamang dahil kapag umabot na ng 80, 85, 90 at 95-anyos ay makakatanggap ng P10,000 cash, kumbaga at the age of 80 may P10,000 ka na, 85 another P10,000, 90 another P10,000, 95 another 10,000, pagkatapos, when you reached 100, buong P100,000 pa rin ang matatanggap.


Isinumite na rin natin ang panukalang batas para ibaba sa 56-anyos ang senior citizen sa bansa mula sa 60-anyos, ibig sabihin kung 56 ka na, senior citizen ka na, malaking tulong ito para sa mga kababayan nating nasa edad na 56 ay santambak na ang iniinom na gamot dahil makakakuha na sila ng diskwento.


Sana, tulad ng P10,000 na nakatakdang maging ganap na batas ngayong araw ay mapabilis na maging ganap na batas din itong panukala nating gawing 56-anyos na ang mga senior citizen upang mas maaga nilang mapakinabangan ang diskwento.


Ipagdasal natin na maantig ang puso ng mga senador sakaling dumating ang panahon na inilalaban na natin ng pukpukan sa plenaryo ang panukalang batas na ito — para agad pakinabangan.


Sa ngayon, nais nating pasalamatan si P-BBM dahil sa magiging ganap na batas na ang Revilla Law na nagbibigay ng benepisyo sa mga matatanda.


Nais ko lang liwanagin na ang naturang batas ay magbibigay benepisyo para sa mga Pinoy na edad mula 80 hanggang 89 (octogenarian) at mga mayroong edad 90 hanggang 99 (nonagenarian), bukod pa sa 100 taong gulang (centenarian) na ang inyong lingkod din ang principal author na una nating isinumite sa kasalukuyang Congress.


Taus-puso kong pinasasalamatan ang Pangulong Marcos sa pagsasabatas ng ating pangunahing panukala upang amyendahan ang Centenarians Law. Ang matagal na nating ipinaglaban para sa ating mga lolo at lola ay tuluyan na nating napagtagumpayan!


This was my promise to the Filipino elders and I’m proud to say that I fulfilled it. Sa wakas ay makakasama na rin sa mga mabibigyan ng benepisyo ‘yung iba pa sa kanila, hindi lamang ang mga aabot ng isandaang taong gulang.


Sobra talaga akong natutuwa kasi malaking tulong ito para sa ating mga lolo at lola.


Mabibigyan na natin ng cash gift na P10,000 ‘yung mga aabot ng mga 80, 85, 90, at 95-anyos. Malaking bagay ‘yun para sa kanila lalo na’t may mga pangangailangan din sila at gastos para sa gamot, vitamins, supplement, pagkain at iba pa.


Kung inyong maaalala ay unang-una ito sa ating mga isinumite sa pagsisimula pa lamang ng 18th Congress noong 2019, ngunit ngayon lamang naging isang ganap na batas at alam kong marami sa ating mga lolo at lola ang hinihintay na ito.


Sabi nga ng isang salawikain ay, ‘sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy’. After a long and arduous battle for the welfare of our lolos and lolas, it is with beaming pride to say that we have won the fight.


Pero, hindi rito matatapos ang pagpupursigi natin para mas mabigyan pa ng pagpapahalaga, pagkilala, at pagmamahal ang ating mga lolo at lola. Simula pa lang ito ng bagong laban – laban para sa tuluy-tuloy na pag-angat ng kanilang kapakanan at kalagayan.


Para maging mas epektibong maipatupad ang naturang batas, nagsagawa ng Elderly Data Management System na pamamahalaan ng National Commission on Senior Citizens upang maalalayan at matiyak na ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ay makakuha ng benepisyo na karapatan nilang matanggap bilang matatandang Pilipino.


Kasama sa batas natin ang pagtatatag ng database para masiguro na wala tayong makakalimutang abutan ng benepisyo. With all the things our elders have done for our country, we should assure that they will receive all the honor and benefits they deserve.


Anak ng Teteng!

 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page