top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P100 K hirit kada buwan… CLAUDINE, WALA NANG DATUNG KAYA TODO-HABOL NG SUSTENTO KAY RAYMART

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 26, 2020




Isyu sa pagitan ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago ang demand ng aktres na P100 thousand na monthly sustento para sa pangangailangan ng kanilang mga anak.


Hindi raw sapat ang P14 K na ibinibigay ni Raymart sa mga bata kaya muling dumulog sa korte si Claudine upang kalampagin ang nakahiwalay na mister.


Jobless din ngayon si Claudine at wala naman siyang negosyo na puwedeng pagkunan ng ibubuhay sa kanilang mga anak. Kaya naman, nag-demand na siya sa kanyang ex-husband na tuparin ang dati nilang napagkasunduan na pagbibigay ng regular na sustento para sa kanilang mga anak.


May ilan namang nagsasabing ang halaga ng sustento na dapat ibigay ni Raymart ay nakadepende kung magkano ang kinikita niya buwan-buwan. Papaano naman kung walang pelikula at TV show si Raymart ngayon?


At bale ba, apektado rin ang mga negosyo ngayong may Covid pandemic. Hindi naman siguro balak ni Raymart na sumira sa kasunduan nila ni Claudine. At siguro naman din, hindi niya kayang tikisin ang kanyang mga anak kahit pa may problema sila ng nakahiwalay na misis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page