top of page

P10.80 rollback sa diesel, P1.50 gasoline

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | April 13, 2026



Gasoline and diesel


Posibleng maranasan ng mga motorista ang malaking bawas-presyo sa diesel sa susunod na linggo, na maaaring umabot hanggang P10.80 kada litro, kasunod ng inaasahang pag-usad ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa pandaigdigang merkado ng langis.


Ayon sa isang source mula sa industriya ng langis, ang rollback sa diesel ay tinatayang nasa pagitan ng P8.80 hanggang P10.80 kada litro—mas mataas kumpara sa naunang pagtataya.


Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaari ring bumaba ng hanggang P1.50 kada litro o manatiling walang pagbabago.


Matatandaang matapos ang ilang linggo ng mga pag-atake, inanunsyo ni US President Donald Trump ang tigil-putukan sa pagitan ng Amerika at Iran na nakatulong upang humupa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.


Gayunpaman, babala ng mga local player sa industriya ng langis, maaaring panandalian lamang ang pagbaba ng presyo sa mga gasolinahan dahil sa nananatiling hindi tiyak na sitwasyon sa rehiyon na pangunahing pinanggagalingan ng langis.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page