P1 rollback sa diesel, P1.50 gasoline

ni Mai Ancheta @News | August 1, 2026

Photo: File
Bahagyang gagaan ang budget ng mga motorista sa unang linggo ng Agosto dahil sa inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy, ang bahagyang rollback ay ang mga sumusunod:
Diesel - P0.50 hanggang piso per liter
Gasoline - P1.00 - P1.50 per liter
Kerosene - inasahang bababa rin pero wala pang eksaktong halaga hangga't hindi natatapos ang pinal na talaan sa merkado.
Ang rollback ay dahil sa pansamantalang pagkalma ng tensiyon sa Middle East.





Comments