top of page

P1-K multa para mabawi ang na-impound na aso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 09, 2021



Dear Chief Acosta,


Nahuli ang alaga naming aso na naglalakad sa labas ng aming bahay at na-impound ito ng lokal na pamahalaan. Nang sinusundo ko na siya, sinabihan ako na may bayad diumano ang pagtubos sa alaga ko. Kailangan ko ba talagang bayaran ito bago ko makuha ang aking aso? Yna


Dear Yna,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 11 (6), ng Republic Act No. 9482, o mas kilala sa tawag na “Anti-Rabies Act of 2007” kung saan nakasaad na:


“Sec. 11. Penalties. - x x x


(6) An impounded dog shall be released to its owner upon payment of a fine of not less than five hundred pesos (P500) but not more than one thousand pesos (P1, 000).”


(Binigyang-diin)


Ayon sa batas, ang mga may-ari ng asong na-impound ay kailangang magbayad ng multang hindi bababa sa limang daang piso (P500), ngunit hindi hihigit sa isang libong piso (P1, 000) kung nais nilang matubos ang kanilang alaga mula sa pagkaka-impound.


Ibig sabihin, kailangan ninyo munang bayaran ang nasabing multang ito kung nais ninyong matubos ang inyong asong na-impound.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page