top of page

Karapatan laban sa mga trespasser

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 26, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Nakasaad sa Article 281 ng Revised Penal Code o RPC ang mga sumusunod na probisyon: 


“The penalty of arresto menor or a fine not exceeding 200 pesos, or both, shall be imposed upon any person who shall enter the closed premises or the fenced estate of another, while either or them are uninhabited, if the prohibition to enter be manifest and the trespasser has not secured the permission of the owner or the caretaker thereof”.


Sang-ayon dito, malinaw na may karapatan ang isang tao na hindi gambalain o pakialaman sa loob ng kanyang tahanan o ari-arian. Walang sinumang tao na makapapasok sa bahay nito maging sa bakuran nito nang walang pahintulot niya. Ang isang tao na mangangahas na pumasok sa isang saradong bahay o sa isang lupain na nakabakod kapag halata rito na ang intensyon ng may-ari nito ay ipinagbabawal niya na mayroong ibang taong pumasok dito nang wala siyang pahintulot.


Bukod pa rito, pinangangalagaan din ng ating Saligang Batas ang karapatan ng isang tao sa kanyang katahimikan sa kanyang bahay at sa anumang kanyang pag-aari. Ito ay nakapaloob sa Section 2, Article III, ng 1987 Constitution, kung saan nakasaad na:

 

“SEC. 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.”


Mula sa mga nabanggit na probisyon ay makikita natin kung paano pinahahalagahan ng batas ang karapatan ng isang mamamayan laban sa panghihimasok ng ibang tao sa kanyang buhay at ng kanyang ari-arian. Ang karapatan para sa seguridad ng isang tao sa kanyang tahanan ay isa sa mga lupon ng karapatang isinasaad ng ating Saligang Batas. Anumang paglabag sa karapatang ito ay maaaring maging sanhi ng isang aksyon para makahingi ng danyos o ng paghahain ng kasong kriminal laban sa taong lumabag nito. 


Marapat na malaman ng bawat mamamayan na kapag ang isang bakuran ay mayroong bakod, intensyon ng may-ari nito na hindi ito dapat pasukin ng ibang tao nang wala siyang pahintulot. Ang paglalagay ng bakod ay isang uri ng “exercise of ownership” at isa itong babala na walang karapatan ang ibang tao na pumasok dito nang hindi pinapayagan ng may-ari nito o sinumang katiwala nito. Isang kalapastanganan ang pumasok sa bahay o pagmamay-ari ng isang tao kapag hindi siya pinayagan ng may-ari nito.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page