P1.6 billion na raw ang yaman… ANNE, P25 M PER MOVIE, P450 K PER DAY SA IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- May 11, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 11, 2024

Isa sa mga top-earners at highest-paid actress ngayon si Anne Curtis. May net worth daw siyang 1.6 billion at ang talent fee niya per movie project ay P25 million.
Para naman sa kanyang pagho-host sa It's Showtime ay P450 thousand a day daw ang kanyang TF, kaya bale P2.7 million a week ang tinatanggap niyang talent fee. Halos kapantay na ito ng kay Vice Ganda.
Milyones din ang bayad kay Anne Curtis sa kanyang mga endorsements, kaya naman nakapagpundar na si Anne ng mga properties at financially stable na.
Pero, marunong mag-share ng kanyang blessings ang aktres. May mga charitable institutions siyang tinutulungan bukod pa sa personal na tulong sa mga taong lumalapit sa kanya. Hindi nga lang niya ito inilalabas sa social media.
Sosyal lang tingnan si Anne pero mabait, humble at matulungin, may soft spot siya sa mga mahihirap.
Kasundo rin siya ng kanyang mga co-stars. Wala kasi siyang attitude at hindi feeling big star kumilos. Marami ang naaaliw sa pagiging totoo ni Anne Curtis.
Comments