P-Duterte, sinopla ang reclamation ng Manila Bay ng mga pribadong kumpanya
- BULGAR
- Aug 7, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | August 07, 2021
Kamakailan sinabi ni P-Digong na hindi niya papayagan ang reclamation ng Manila Bay ng mga pribadong kumpanya dahil umano sa korupsiyon.
Pero, bakit may ulat na aprubado na ng Malacañang ang reclamation sa Pasay, Maynila at Navotas?
Ano ba ‘yan?
◘◘◘
MAHIGIT 40 kumpanya ang interesado pag-reclaim sa Manila Bay.
Pero, tatlo lamang ang ang pinayagan ng Philippine Reclamation Authority at ng Office of the Executive Secretary (OES)!
◘◘◘
MALINAW na tuloy na tuloy na ang Manila Bay reclamation.
Inaasahang magsisimula nang magtambak sa Manila Bay ang SM Prime Holding sa kanilang 360 hectares reclamation project!
◘◘◘
PINAYAGAN na rin ang Pasay Harbor City Corp. sa pag-reclaim ng 265 hectares project.
Aprubado rin ang Manila Gold coast Development Corp. sa pagtatambak sa hiwalay na 148 hectares!
◘◘◘
ILANG reclamation projects pa ang nabigyan ng Notice to Proceed (NTP) nina Philippine Reclamation Authority Chairman Alberto Agra at PRA General Manager Janilo Rubiato?
Naghihintay na lang ang mga ito ng Notice to Mobilize (NTM) mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea para makapagsimula naman ng hiwalay na 576 hectares sa Navotas Coastal City Reclamation Project!
◘◘◘
SINASABING may nakatoka ring 418 hectares Horizon Manila Reclamation Project para sa JBros Construction Corp.
Aandar na rin ang 318 hectares Manila Waterfront Reclamation Project ng Waterfront Manila na binubuo ng Crisanta Realty Development Corporation at ng Pacific Rehouse Corporation!
◘◘◘
MAG-ISYU kaya ng Notice to Mobilize (NTM) ang Office of the Executive Secretary (OES) para sa Navotas Coastal City Reclamation Project, Horizon Manila Reclamation Project at Manila Waterfront Reclamation Project?
Masimulan kaya ang mga proyektong ito bago matapos ang termino ni P-Duterte?
Tiyak na tiba-tiba na naman ang mga malalapit sa kusina ng Malacañang.
He-he-he!
◘◘◘
SINO kaya ang titiba sa SOP?
Sino kaya ang mabibiyayaan ng unlimited campaign fund para sa 2022?
Sinu-sino ang nasa likod ng mga dambuhalang kontratang ito?
Abangan!





Comments