top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Duterte, mas iniyabang ang pag-absent kaysa aksiyunan ang projection na umabot sa

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2021
2 min read

milyon ang COVID-19 cases.


ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 15, 2021



IMBES NA AKSIYON PARA MAKONTRA ANG PROJECTION NA AABOT SA 8.5-M ANG MAGKAKA-VIRUS SA ‘PINAS, ANG IBINIDA NG PANGULO AY SADYA RAW ‘YUNG PAG-ABSENT NIYA—May projection ang UP (University of the Philippines)-OCTA Research Group na kung hindi gagawa ng aksiyon ang pamahalaan para makontrol ang tumitinding pananalasa ng COVID-19 ay sa katapusan ng Abril 2021 ay posibleng umabot na sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at maaaring mangyari ito kasi sa ngayon ay 884,673 na ang tinamaan ng virus sa bansa, at kung magpapatuloy ito ay posibleng mangyari pa na sa katapusan ng Hunyo 2021 ay papalo na sa higit 8.5 milyon ang magkaka-virus sa Pilipinas.


Imbes na gumawa agad ng aksiyon ang pamahalaan para hindi mangyari ang nakakatakot na projection ng UP-OCTA, ang ibinida ni P-Duterte ay sinadya raw niyang mag-“absent” ng halos dalawang linggo dahil naiinis siya sa kanyang mga kritiko, boom!


◘◘◘


SAYANG ANG DALAWANG LINGGONG PAG-“ABSENT” NG PANGULO—Sa totoo lang, sayang ang dalawang linggong sinadyang pag-“absent” ni P-Duterte, at ang ginawa lang sa Malacañang ay mag-jogging, mag-motor at mag-golf.


Kung ang dalawang linggo kasing sinadyang pag-“absent” ng pangulo ay ginugol ng gobyerno sa pagpaplano para makontrol ang tumitinding pananalasa ng COVID-19 sa bansa, baka nakagawa na ng paraan, period!


◘◘◘


KUNG MAY DELICADEZA SI ROQUE, DAPAT NA SIYANG MAG-RESIGN—Hanggang ngayon ay pinuputakti pa rin ng batikos si Presidential spokesman Harry Roque dahil nang dapuan ulit siya ng COVID-19 ay lumalabas na ginamit niya ang kanyang power para ma-admit agad sa PGH (Philippine General Hospital) kahit maraming nauna sa kanyang nakapila at naghihintay na magamot sa ospital.


Kaya’t kung may natitira pang delicadeza sa kanyang sarili, dapat mag-resign na siya kasi hindi magandang tingnan na sa gitna ng krisis ay ginamit niya ang kanyang katungkulan para makapanlamang ng kapwa, boom!


◘◘◘


BALIK-MECQ NA, KAYA BALIK-TONGPATS ANG MGA NAGPAPAKILALANG NCRPO “COLLECTORS”—Ngayong balik-MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) na ang National Capital Region (NCR) plus bubble ay balik na rin sa panghihingi ng payola sa mga ilegalista sa Metro Manila ang mga nagpapakilalang “tongpats” collector ng NCRPO (National Capital Regional Police Office).


Sa totoo lang, isa sa mga dahilan kaya dumarami ang tinatamaan ng virus sa Metro Manila ay dahil sa pagbibigay proteksiyon ng mga “tongpats” collector na ito sa mga gambling lords na may mga kubrador na nagbabahay-bahay sa pagpapataya ng iba’t ibang uri ng sugal, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page