top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

P-Duterte, imbes na mag-‘thank you’, ininsulto pa ang mga organizers ng community pantry

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 01, 2021



IMBES NA MAG-“THANK YOU”, ININSULTO PA NI P-DUTERTE ANG MGA ORGANIZERS NG COMMUNITY PANTRY—Nang kuwestiyunin ng mga kritiko ang kapos na ayuda ng gobyerno sa mamamayan, ang tugon ni Presidential spokesman Harry Roque sa mga nagrereklamo ay tumulong na lang daw.


Ito na ang siste, nang may nag-organize ng community pantry para mamigay ng pagkain sa mga naghihikahos na mamamayan, imbes na pasalamatan, ito ang sinabi sa kanila ni P-Duterte sa public address nito kamakalawa, “Walang isip ang mga P.I. na ‘yan. They just want to show to the people that they care, but they do not really care.”


Hay naku, ‘pag nagreklamo pala sa gobyerno, sasabihin tumulong na lang, at ‘pag tumulong naman, pang-iinsulto pa ang inaabot sa pangulo, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


WALANG NANANAWAGAN KAY P-DUTERTE NA MAKIPAGGIYERA, PROTESTA LANG ANG HILING LABAN SA MANANAKOP NA CHINA—Na-shock ang publiko, maging ang mundo sa sinabi ni P-Duterte na never siyang makikipaggiyera sa China kahit pa sinakop na nito ang West Philippine Sea (WPS) dahil malaki raw ang utang na loob ng Pilipinas.


Aba, teka, bakit giyera agad ang nasa isip ng P-Duterte, ang panawagan lang naman ng mga Pilipino ay bilang pangulo ay pangunahan niya ang paghingi ng tulong sa United Nations (UN) bilang protesta sa ginagawang pananakop ng China sa West PH Sea.


Ganun lang kasimple, walang nananawagan sa kanya na makipagiyera sa China, period!


◘◘◘


SANA BINILI NA LANG ANG 1 MILYONG DONASYONG SINOVAC PARA WALANG UTANG NA LOOB SA CHINA ANG ‘PINAS—Ang isa sa mga tinutukoy ni P-Duterte na utang na loob sa China ay ang donasyong isang milyong Sinovac.


Kung ang 1 milyong Sinovac na ‘yan ay nais ipatanaw na utang na loob ng China, sana ay binayaran na lang ‘yan ng Duterte gov’t. kasi may inutang naman na P2.74 trilyon ang pamahalaan na pagtugon sa COVID-19, at kasama d’yan ang budget pambili ng bakuna.


Mantakin n’yo, sa China nagmula ang virus at bilang pakikisama ay hindi agad nag-travel ban sa China ang Duterte gov’t. at ngayong nananalasa nang husto ang COVID-19 sa bansa ay pinalalabas pa ngayon ni P-Duterte na malaking utang na loob ang 1 milyong donasyong bakunang Sinovac kaya ok lang na angkinin ng China ang mga isla at karagatang nasa teritoryo ng Pilipinas, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page