P-Duterte at Mayor Sara, sapol sa hirit ni Mayor Vico tungkol sa political dynasty
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 06, 2021
MAG-AMANG P-DUTERTE AT MAYOR SARA, SAPOL SA STATEMENT NI MAYOR VICO—Sa isang panayam kay Pasig City Mayor Vico Sotto noong May 20, 2020 patungkol sa isyung political dynasty, ito ang sinabi ng batang alkalde: “Kung magaling kang leader, maipapasa mo sa susunod na leader, ibig sabihin may continuity. Hindi ‘yung anak mo lang o ano... hindi lang naman isang tao ang magaling, hindi lang isang pamilya ang magaling. Let’s find the next generation of leaders who will be better than the leaders that we already had.”
Wala man tinukoy na pangalan si Mayor Vico, tila ang mag-amang P-Duterte at Mayor Sara ang sapol sa statement niyang ito, boom!
◘◘◘
HINDI KAYAMANAN ANG POSISYON SA GOBYERNO, KAYA HINDI ITO DAPAT IPINAMAMANA SA PAMILYA NG MGA PULITIKO—Matapos kumpirmahin ni Albay Rep. Joey Salceda na kakandidatong pangulo ang kaibigan niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio upang ito ang pumalit sa trono ng kanyang ama sa Malacañang na magwawakas sa June 30, 22 ay sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi dapat ginagawang parang mana ang posisyon sa gobyerno.
May punto si Yorme kasi hindi naman kayamanan ang posisyon sa gobyerno kaya’t hindi ito dapat ipinamamana ng mga magkakamag-anak na pulitiko, period!
◘◘◘
DEDMA ANG MGA TRAPO SA ANTI-POLITICAL DYNASTY KASI SILA ANG TATAMAAN SA BATAS NA ITO—Matagal nang may nakasalang na Anti-Political Dynasty Bill, pero dinededma lang ito ng mga kongresista at senador kasi ayaw nila itong maisabatas dahil silang trapo na nagtataguyod ng political dynasty ang tatamaan kapag naging batas ito.
‘Ika nga, walang pag-asang maipasa ang anti-political dynasty, uso na sa Pilipinas na ginagawa nilang ‘pamana’ sa kapamilya ang kanilang mga posisyon sa pamahalaan, buwisit!
◘◘◘
PARA MATIGIL ANG ‘MANA-MANA’ SYSTEM SA PAMAHALAAN, ISA LANG SA KADA ANGKAN NG MGA PULITIKO ANG IBOTO SA ELEKSIYON—May paraan pa ang mga Pilipino para matuldukan na ang political dynasty sa bansa.
Magkaisa lang ang mga Pilipino na isa lang sa kada angkan ng mga pulitiko ang iboto, tiyak matitigil na ang bulok na sistema sa pulitika ng mga trapo na nagpapairal ng ‘mana-mana’ system sa mga posisyon sa pamahalaan, period!





Comments