top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Duterte, abogado na ng mga mandarambong?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 22, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 22, 2021



MAY PUNTO SI GORDON NA SABIHANG ATTY. DUTERTE SI P-DUTERTE KASI LANTARAN NA ANG PAG-AABOGADO NIYA SA MGA SANGKOT SA P8.7-B PUBLIC FUNDS SCAM--Umuusok sa galit si P-Duterte sa banat sa kanya ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na nataranta na siya, na mistulang hindi na siya ang pangulo ng Pilipinas, na siya ay si Atty. Rodrigo Roa Duterte na nag-aabogado sa mga sangkot sa P8.7 billion public funds scam sa pagbili ng mga overpriced na facemask, face shield at PPEs (Personal Protective Equipments).


May punto si Gordon sa tirada kasi nakikita ngayon ng publiko at ng mundo na sa inaasal niya ngayon ay mistula siyang abogado ni Yang Hong Ming, aka Michael Yang, ng Pharmally Inc. na pag-aari ng mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud sa Taiwan at sa mga buwaya sa PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management), boom!


◘◘◘


PAGLILINAW NG COA, MANDATO NILANG I-AUDIT ANG PERA NG BAYAN AT HINDI MAG-IMBESTIGA NG KORUPSIYON--Mistulang binara ni COA (Commission on Audit) Chairman Michael Aguinaldo si P-Duterte at mga alipores nito sa Kongreso na kesyo sinabi niyang walang korupsiyon, walang overpriced sa pagbili ng mga medical supplies at na-deliver ang mga biniling facemask, face shield at PPEs.


Nilinaw kasi ni Aguinaldo na totoong sinabi niyang silang mga taga-COA ay walang nasilip na korupsiyon at overpriced kasi hindi naman trabaho ng COA na mag-imbestiga kung may korupsiyon sa tanggapan ng pamahalaan, ang mandato lang ng COA ay i-audit ang pera ng bayan, at ang may sakop na mag-imbestiga ng korupsiyon ay Ombudsman, period!


◘◘◘


OMBUDSMAN, 'NGANGA' SA INILIPAT NA P42-B DOH FUNDS SA PS-DBM AT SA MAHAL NA PRESYO NG FACEMASK AT FACE SHIELD--Nag-ugat ang imbestigasyon ng komite ni Gordon sa P8.7-B PS-DBM-Pharmally Inc. nang hingan ng paliwanag ng COA ang DOH kung bakit ang higit P42-B pondo nito ay inilipat sa PS-DBM, at kung bakit ang bili ng PS-DBM per piraso ng facemask ay P27.72 at P120 per piraso ng face shield.


Malinaw, walang sinabi ang COA na may korupsiyon sa mga kinukuwestiyon nilang ito, pinagpapaliwanag lang ang DOH at PS-DBM, at dahil kaduda-duda ang lipatan ng pera at presyo ng mga medical supplies, ang dapat ginawa ng Ombudsman ay nag-imbestiga kung may korupsiyon dito, pero dinedma lang nila ang isyu.


Dahil d'yan, Senado na ang nag-imbestiga, at dito nalaman ng publiko na si P-Duterte pala nag-utos kay Sec. Francisco Duque na ilipat ang P42-B DOH funds sa PS-DBM, overpriced pagkakabili ni former Usec. Christopher Lloyd Lao ng mga medical supplies, at koneksiyon ni Michael Yang sa Pharmally Inc. na ang mga may-ari ay mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud, boom!


◘◘◘


MABUTI NAG-IMBESTIGA ANG BLUE RIBBON COMMITTEE KASI KUNG HINDI, BAKA HINDI NALAMAN NG TAUMBAYAN MAY MGA NANINDIKATO SA PUBLIC FUNDS SA GITNA NG PANDEMYA--Para sa kaalaman ng publiko, ang nag-iimbestiga sa P8.7-B scam na ito ay komite ni Gordon na Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations, na mas kilala sa tawag na "Blue Ribbon Committee."


Dapat iwaksi ang isyung pamumulitika sa imbestigasyong ito kasi P8.7-B public funds ang pinag-uusapan dito.


Mabuti na nga lang naglakas-loob ang Blue Ribbon Committee na imbestigahan ito kasi kung hindi ay hindi malalaman ng taumbayan na sa gitna ng pandemya ay may mga naninindikato sa pera ng bayan, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page