- BULGAR
P-Du30 paalis na, ilegal na droga namamayagpag pa rin
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 1, 2022
IIWANG UTANG NA P13-T MAITUTURING NA LEGACY NI P-DUTERTE – Nagsagawa ang Malacañang ng dalawang araw na legacy summit para kay P-Duterte, at ang kapuna-puna sa summit na ito ay hindi isinama ang mahigit P13 trilyon utang na iiwan ng gobyernong Duterte sa papasok na Marcos gov't.
Sana, isinama na sa summit ang napakalaking utang na 'yan kasi kung tutuusin, 'yan ang legacy na iiwan ni P-Duterte sa sambayanang Pinoy, ang higit P13 trilyong utang, boom!
◘◘◘
PAALIS NA SI P-DUTERTE SA MALACAÑANG SA JUNE 30, 2022 PERO SINDIKATO NG DROGA NAMAMAYAGPAG PA RIN – Ang isa sa sentro ng legacy raw ni P-Duterte ay ang drug war.
Sa totoo lang, hindi dapat isinama sa legacy ni P-Duterte ang drug war kasi sablay naman ang giyera niya kontra droga at patunay d'yan na papaalis na siya sa Malacañang sa June 30, 2022, pero ang mga sindikato ng droga ay patuloy pa ring namamayagpag ang operasyon sa bansa, period!
◘◘◘
SUPALPAL INABOT NI SALCEDA KAY P-BBM – Supalpal ang inabot ni Albay Rep. Joey Salceda kay P-BBM.
Nagmungkahi kasi si Albay Rep. Joey Salceda sa papasok na Marcos administration na magbenta ng mga ari-arian ng gobyerno para daw pandagdag sa ipambabayad-utang ng Philippine gov't., pero tinabla ni P-BBM ang mungkahi niyang ito, na ayon sa incoming president ay wala raw siyang planong magbenta ng mga pag-aari ng pamahalaan para lang ipambayad-utang na iniwan ng Duterte administration, boom!
◘◘◘
HARRY ROQUE HUWAG NANG UMASA NA MAGIGING SPOKESMAN NI P-BBM – Kinumpirma ni incoming Presidential Communication Operations Office (PCOO) Sec. Trixie Angeles na hindi raw kukuha si P-BBM ng presidential spokesman.
Dahil sa sinabing 'yan ni Angeles ay huwag nang umasa si dating presidential spokesman Harry Roque na magiging spokesman siya ni P-BBM, period!