top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-Digong, todo-yabang na tinanggal ang mga korup, inilipat lang naman!

BULGAR
Mar 7, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 7, 2021



IBINIDA NI P-DUTERTE ANG MGA TINANGGAL NIYANG TIWALI, PERO HINDI NIYA IBINIDA NA INILIPAT LANG NIYA NG PUWESTO ANG MGA BUWAYA—Ibinida ni P-Duterte sa meeting ng Joint National Task Force-Regional Task Force-End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) na tinanggal niya sa puwesto ang opisyal ng pamahalaan na nasangkot sa katiwalian.


Kaya lang, ang ibinidang ito ni P-Duterte ay hindi na niya dinugtungan na ang mga tiwaling inalis niya sa puwesto ay inilipat lang niya sa ibang posisyon, period!


◘◘◘


SA ‘PINAS, KAPAG SINABING PROJECT, ANG KAAKIBAT NIYAN AY SOP KICKBACK—Sabi ni Gen. Antonio Parlade, spokesman ng NTF-ELCAC, na hindi cash kundi proyektong worth P20-M ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga barangay na wala nang komunistang NPA (New People’s Army).


Hindi cash, pero ang “komisyon” ay cash ang ibinibigay ng mga kontraktor ng proyekto sa mga tiwali kasi sa Pilipinas, kapag sinabing project ay may kaakibat ‘yan na SOP (standard operating procedure) kickback.


Alangan naman ibigay na kickback sa mga tiwali ay semento, buhangin o grabe, siyempre, cash ‘yan, boom!


◘◘◘


KAPAG KUMANDIDATONG GOVERNOR SI VP LENI, TAPOS NA ANG PAMAMAYAGPAG NG MGA VILLAFUERTE SA CAMSUR—Sabi ni Vice-Pres. Leni Robredo, sa ngayon ay wala pa siyang plano para tumakbong pangulo ng bansa, pero open daw siyang sumabak sa ibang posisyon.


Malamang, kakaba-kaba na ang mga Villafuerte sa Camarines Sur kasi kapag pinuntirya ni VP Leni na kumandidatong gobernador sa kanilang lalawigan ay d’yan na matatapos ang ilang dekadang paghahari nila sa CamSur.


Alam kasi ng Pamilya Villafuerte na Robredo lang ang puwedeng tumalo sa kanila, at napatunayan na ‘yan nang ilampaso ni VP Leni si Nelly Villafuerte (misis ni ex-Cong. Luis Villafuerte, nanay ni Rep. L-Ray at lola ni Gov. Migs) sa pagka-kongresista ng CamSur noong 2013 election, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page