top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Digong, todo-post na oks siya kaya nakapag-motor at jogging na, nakakapag-golf pa!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 13, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 13, 2021



IMBES NA IPALIWANAG KUNG BAKIT DALAWANG LINGGONG “ABSENT” ANG PANGULO, DUTERTE-DUTERTE 2022 ANG IBINIDA NI PANELO—Sa kasagsagan na hinahanap ng taumbayan si P-Duterte dahil ang daming problema ng bansa, biglang umeksena si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at parang “sirang plakang” inulit na naman ang mga dati niyang statement na walang talo sa 2022 election ang mag-amang Mayor Sara Duterte-Carpio for president at P-Duterte for vice-president.


Pambihira, imbes na ipaliwanag sa publiko kung bakit halos dalawang linggong “absent” sa kanyang mandato bilang pangulo ng bansa si P-Duterte, eh, ang ibinibida ni Panelo ay walang tatalo sa Duterte-Duterte 2022 sa 2022 election, buwisit!


◘◘◘


IMBES NA AKSIYON LABAN SA COVID-19, ANG IPINAKITA NG PANGULO NAGDYA-JOGGING, NAGMO-MOTOR AT NAGGO-GOLF SIYA—Sa panahon na maraming nagkaka-COVID-19 at namamatay, ang dapat ginagawa ng pangulo ay ipinakikita niya sa publiko na pinangungunahan niya ang paggawa ng mga paraan kung paano makokontrol ang pananalasa ng COVID-19.


Pero ang masaklap, hindi aksiyon kung paano makokontrol ang pagdami ng tinatamaan at namamatay sa virus ang ipinakita ng pangulo, dahil ang ipinakita ay ang nagdya-jogging, nagmo-motor at naggo-golf siya sa compound ng Malacañang, boom!


◘◘◘


MECQ NA PERO ANG AYUDA SA MGA NA-ECQ, HINDI PA NAIBIBIGAY—Matapos ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ), pinalitan na ito ng Malacañang ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na tatagal hanggang April 30, 2021.


Ang masaklap, ang ayuda sa mga na-ECQ ay ngayong MECQ na ay hindi pa rin natatanggap.

Patunay ‘yan na palpak ang gobyerno sa pagbibigay ng ayuda sa mamamayan, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page