P-Digong, sabit sa kapalpakan ng PNP at PDEA
- BULGAR
- Feb 28, 2021
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | February 28, 2021
Maraming katanungan ang hindi masagot nina PNP Chief Debold Sinas at PDEA chief Wilkins Villanueva kaugnay sa misencounter.
Nakapagdududa!
◘◘◘
Inaamin nina Sinas at Villanueva na kahit sila ay nagtataka.
Hindi nila masagot ang maseselang tanong at isyu kaugnay sa misencounter.
Ano ang ibig sabihin nito?
Hindi sila kuwalipikado sa kanilang posisyon?
Wala bang mas mahusay na opisyales na maaaring italaga sa kanilang puwesto—habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang NBI?
◘◘◘
Madadamay si P-Digong dahil hindi siya marunong kumilatis ng matitinong opisyales ng gobyerno.
Padrino system kasi ang ipinaiiral sa pagtatalaga ng maseselang posisyon sa pamahalaan!
◘◘◘
Hindi totoong kulelat ang Pilipinas sa delivery ng COVID vaccines.
Batay mismo sa pag-amin ng mga awtoridad, nakapagpasok na ng COVID vaccine mula sa China ang mga ismagler ilang buwan na ang nakararaan.
At marami na ang naturukan na government personnel!
◘◘◘
Malinaw ang ating sinasabi, kailangan ni P-Digong na italaga na vaccine czar ang mga ismagler dahil alam nila ang pasikot-sikot sa transaksiyon.
Sa totoo lang, tulad sa illegal drugs at illegal gambling—hindi mapipigil ng gobyerno ang mga pusakal na ismagler na makapagpasok ng epektos laban sa COVID.
Tama o mali?
◘◘◘
Turete pa rin ang gobyerno sa presyo ng karne.
Palayain ninyo ang merkado na magdikta ng presyo!
◘◘◘
Nagsisimula na ang matinding init.
Darami pa rin ang maysakit sa paligid na mamarkahan ng COVID.
Tsk-tsk-tsk!





Comments