top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-Digong, sa wetpu magpapaturok ng COVID vaccine, ibang klase!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2021
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 28, 2021



SOBRANG NAKABABAHALA NA HANGGANG NGAYON AY WALA PANG BAKUNA SA ‘PINAS—Kung ang gobyerno sa ibang bansa ay nagbabakuna na kontra COVID-19 sa kanilang mamamayan, sa Pilipinas wala pa.


Sobrang nakababahala na hanggang ngayon ay wala pang bakuna sa Pilipinas kasi araw-araw ay libu-libong Pinoy pa rin ang tinatamaan ng COVID-19 at araw-araw ay marami ang namamatay sa virus, period!


◘◘◘


SA MGA LIDER NG MGA BANSA, SI P-DUTERTE LANG ANG MAGPAPABAKUNA SA WETPU—Sakaling magkaroon na ng bakuna sa Pilipinas, ang sabi ni Presidential spokesman Harry Roque ay si P-Duterte raw ang unang magpapabakuna kaya lang ay ayaw ng Pangulo ng televised kasi sa puwet daw ito magpapaturok ng bakuna.


Pambihira, eh, ang ibang lider ng ibang bansa, sa braso nagpapabakuna, tapos si P-Duterte sa puwet, aba, kapag natuloy ‘yan ay baka matala siya sa Guinness World Records na tanging pangulo na nagpaturok ng bakuna sa wetpu, boom!


◘◘◘


MAS PRAYORIDAD NG DUTERTE GOV’T. NA PABAKUNAHAN ANG PAMILYA NG MGA MILITAR AT PARAK KAYSA SA HEALTH WORKERS—Hindi lang ang mga sundalo at pulis ang unang pababakunahan ni P-Duterte kundi pati ang mga kamag-anak ng mga militar at parak.


Sa ibang bansa, health workers ang unang pinababakunahan ng kanilang gobyerno dahil sila ang nasa frontline sa pakikidigma sa COVID-19, pero sa Pilipinas, mas una pang pababakunahan ng Duterte gov’t. ang mga kamag-anak ng mga militar at parak kaysa sa mga health workers, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page