top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Digong, ‘most visible president’, hindi nga?!

BULGAR
Jul 14, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 14, 2021


BAD NA GASTUSAN NG GOBYERNO ANG MGA TROLLS PARA MAGPAKALAT NG FAKE NEWS—Nagkaisa ang 12 senador na imbestigahan ang ibinulgar ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na may isang undersecretary na naglagay ng dalawang “troll farms” sa bawat probinsiya, gamit ang pondo ng pamahalaan para magpakalat ng fake news.


Sakaling mapatunayang totoo, aba’y bad ‘yan kasi mantakin n’yo milyun-milyong Pinoy ang naghihikahos ang buhay, halos wala na ngang makain dulot ng krisis, tapos gumagasta pa ng milyun-milyon para bayaran ang mga “trolls” na nagpapakalat ng fake news, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


DAPAT MAGKAROON NG MABIGAT NG BATAS LABAN SA MGA “TROLLS”—Ngayong nagbigay-oras na ang Senado para imbestigahan ang mga “trolls”, ang dapat sunod nilang gawin ay gumawa ng mabigat na batas laban sa mga tao na ito ang hanapbuhay.


Sa totoo lang, sobrang bad ang mga “trolls” kasi hindi lang taga-oposisyon ang ginagawan nila ng fake news, kundi pati pangkaraniwang mamamayan, period!


◘◘◘


KUNG PABOR ANG PAMAHALAAN SA ‘TROLLS’, DAPAT MAGTATAG NA LANG SILA NG “DEPARTMENT OF TROLLS”—Kung walang kinalaman ang Duterte gov’t. sa “troll farms”, dapat umaksiyon ang gobyerno laban sa mga “trolls” kasi labag sa batas ang ginagawa ng mga ito, labag sa Cybercrime law, pero ang problema, dedma lang ang pamahalaan, at mistulang nag-e-enjoy pa sila sa mga mapanirang fake news.


Eh, kung ganyan na walang gagawing aksiyon ang gobyerno laban sa mga “trolls”, mainam yata na magtatag na lang ang Duterte gov’t. ng isang sangay ng pamahalaan para sa mga trolls, at ang departamentong ito ay papangalanang “Department of Trolls”, ha-ha-ha!


◘◘◘


FAKE NEWS ANG IBINIDA NI BADOY NA ‘MOST VISIBLE PRESIDENT’ SI P-DUTERTE—Batikos ang inabot sa publiko ni Usec. Lorraine Badoy ng PCOO (Presidential Communications Operations Office) sa kanyang sinabi na sa lahat ng naging pangulo ng bansa ay si P-Duterte ang “the most visible president”.


Mababatikos talaga dahil fake news ang ibinida kasi paanong naging “most visible president” si P-Duterte, eh, tuwing Lunes lang siya nagpapakita sa publiko kapag may IATF (Inter-Agency Task Force) meeting, kung minsan napo-postpone pa, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page