top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P-Digong, mas galit sa mga komunista kaysa sa COVID-19?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2020
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 13, 2020



MAS GALIT YATA SI P-DUTERTE SA MGA KOMUNISTA KAYSA COVID-19—Kinuwestiyon ni Sen. Franklin Drilon kung bakit mas malaki pa ang inaprub na budget ng Duterte gov’t. sa anti-insurgency fund na P16.4 bilyon kaysa pambili ng bakuna kontra COVID-19.


Bagama’t P72.5 bilyon ang budget na pramis ni P-Duterte para sa COVID-19 vaccines, sinabi ni Drilon na P2.5 bilyon lang ang nakalagay sa 2021 National Budget na pambili ng bakuna next year at ang P70 bilyon daw ay ihahanap pa ng mauutangan.


Tila mas galit si P-Duterte sa mga komunista kaya mas binigyan nito ng prayoridad ang budget sa anti-insurgency fund kaysa COVID-19, boom!


◘◘◘


KAPAG WALANG NAGPAUTANG, MARAMI ANG HINDI MABABAKUNAHAN—Depensa nina Presidential spokesman Harry Roque at Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ay wala raw dapat ipangamba ang publiko kung P2.5 bilyon lang ang unang inilaang budget pambili ng bakuna dahil sa ngayon ay naghahanap na ng mauutangan ang pamahalaan.


Mabuti sana kung may mauutangan agad, eh, kung wala ay malaking problema ‘yan, saklap!


◘◘◘


PATI SA MGA PILIPINONG BABAKUNAHAN MAY DISKRIMINASYON—Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, bakunang Pfizer na gawang Amerika ang ipambabakuna sa mga residente ng Metro Manila, Davao City, Cebu City at Cagayan de Oro City, at bakunang Sinovac na gawang China naman ang ipambabakuna sa ibang lugar sa bansa.


Pati ba naman sa pagbabakuna may diskriminasyon? Buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page