top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-Digong, malamang umuusok na ang ilong sa galit kay Sec Locsin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 04, 2021



MALAMANG UMUUSOK NA SA GALIT SI P-DUTERTE KAY SEC. LOCSIN SA KABABATIKOS SA CHINA—Sunud-sunod ang mga diplomatic protest at pambabatikos ni Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pananakop ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).


Malamang ay umuusok na sa galit si P-Duterte kay Locsin kasi ayaw ng pangulo na binabatikos ang China kasi ang laki-laki ng utang na loob ng Pilipinas kay Chinese Pres. Xi Jinping, boom!


◘◘◘


ROQUE, DATING ANTI-CHINA, NGAYON PRO-CHINA NA—Binatikos ni Presidential spokesman Harry Roque sina dating Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating DFA Sec. Albert del Rosario dahil sa patuloy na pambabatikos ng dalawa sa kawalan ng aksiyon ni P-Duterte sa pananakop ng China sa WPS.


Iba pala ang naging epekto kay Roque noong naging spokesman siya ng pangulo kasi noong wala pa siyang katungkulan sa gobyerno ay isa siya sa mga bumabatikos sa pananakop ng China sa WPS, pero ngayong taga-Malacañang na siya, eh, hindi na siya anti-China, kundi pro-China na, pwe!


◘◘◘


SAKIT SA DAMDAMIN NG MGA DDS ANG PAGBIBIGAY-PUGAY NI P-DUTERTE SA MGA MAMAMAHAYAG SA WORLD’S PRESS FREEDOM DAY—Nagbigay-pugay si P-Duterte sa mamamahayag sa selebrasyon kahapon ng World’s Press Freedom Day, na ayon sa pangulo ay protektado ng kanyang administrasyon ang kalayaan sa pamamahayag dahil isa raw ito sa mga susi sa pag-unlad ng bansa.


Sakit sa damdamin ng mga DDS ang statement na ‘yan ni P-Duterte kasi hate nila (DDS) ang mainstream media, tapos nagbibigay-pugay ang pangulo sa mamamahayag, boom!


◘◘◘


DAPAT PANGALANAN NI GOV. REMULLA ANG MGA PRESIDENTIABLES SA GITNA NG PANDEMYA NA ‘NANGANGAMPANYA NA FOR PRESIDENT’—Ibinulgar ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na ilan daw sa nag-aambisyong maging pangulo ang lumapit na sa kanya at hinihingi ang suporta ng lalawigan para sa 2022 presidential election.


Dapat pangalanan ni Remulla kung sino ang mga pulitikong ‘yan para ngayon pa lang ay ikampanya na ng mamamayan na huwag iboto kasi hindi katanggap-tanggap na sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay nagawa pang mangampanya agad, na pansariling interes na maging next president ang inaatupag, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page