top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-Digong, humihingi ng $16 bilyong bayad para sa VFA, may tama siya!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 17, 2021



$16 bilyon ang hinihinging bayad ni P-Digong sa VFA.


Malaki talaga ang tama niya!


◘◘◘


Pero, dapat maunawaan ni P-Digong na ilang buwan na lamang ay ituturing na siyang “lame duck” president.


Tiyak na kukutyain siya ng mga Kano!


◘◘◘


Ipinipilit pa rin ang ChaCha ng mga kongresista.


Korupsiyon pa more!


◘◘◘


Ang sinumang papabor sa ChaCha ay magkakamal ng unlimited campaign fund.


Ho-ho-ho!


◘◘◘


Mula sa MRT-3 personnel nagmula ang UK variant na nakahawa sa isang taga-Pasay City.


Paktaylo!


◘◘◘


Kinumpirma na ang tubig sa Mars.


Akala ko sa Angat Dam?


◘◘◘


Kinontra ng 2 mayor ang rekomendasyon ng NEDA na isailalim sa mas maluwag na MGCQ ang buong bansa.


Bitin sila sa pandambong sa emergency fund.


‘Pag nag-normal ay hihigpit na ang paglalabas ng pondo ng gobyerno!


◘◘◘


Ang korup sa gobyerno ang nagpapalala sa krisis.


Ang kakarampot na salapi para sa mga nagdarahop ay ninanakaw pa ng mga buwaya.


Gusto ng mga buwaya na patuloy na ngumangasab ng kaban ng bayan!


◘◘◘


Dapat patawan ng buwis ang mga motorcycle traders na nagbebenta sa proseso ng installment.


Sobra-sobra ang “patong sa presyo” pero hindi nagdadagdag ng buwis sa gobyerno.


Kabilang ang mga ito sa buwitre sa panahon ng pandemya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page