top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Digong, galit na galit magisa ang mga Bff na sangkot sa katiwalian

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 22, 2021


GINAWA NG SENADO SA GRUPO NI MICHAEL YANG, GINAWA NA RIN SA “BF” NI SEN. DE LIMA—Nang tumanggi noon si Ronnie Dayan, “BF” ng detenidong Senadora na si Leila de Lima, na sumipot sa imbestigasyon para matanong sa kaugnayan niya sa umano’y drug case ng senador, na-contempt siya noong Oct. 10, 2016 at ipinaaresto, at pati ang mga senador, na-contempt siya at ikinulong sa Senado noong Dec. 6, 2016.


‘Ika nga, kung ano ang ginawa kay Dayan ay siyang ginagawa rin ngayon sa BFF ni P-Duterte na si Yang Hong Ming, aka Michael Yang, sa mga taga-Pharmally Corp. at PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) na sangkot sa multi-billion peso scam sa kaban ng bayan.


Ang pagkakaiba nga lang, tuwang-tuwang si P-Duterte sa ginawa kay Dayan at galit na galit naman siya sa pag-contempt kay Michael Yang at pagkulong kay Pharmally executive Linconn Ong.


Kapag kay Dayan na “BF” ni Sen. De Lima, para kay P-Duterte puwede ‘yun, pero kapag sa BFF niyang si Michael Yang at mga katropa nito sa Pharmally, hindi puwede? Buwisit!


◘◘◘


MICHAEL YANG, AYAW IPA-DEPORT NG MALACAÑANG, WALA RAW KASONG KRIMINAL, PERO SI SIS. PATRICIA FOX, WALA RING KASONG KRIMINAL PERO IPINA-DEPORT NI P-DUTERTE—Nag-react ang Malacañang sa sinabi ni Sen.

Richard Gordon na dapat i-deport pabalik sa China ang kaibigan ni P-Duterte na si Michael Yang dahil marami na itong ginawang kawalanghiyaan sa Pilipinas, na ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, wala naman daw kasong kriminal ito para i-deport.


Ganun? Eh, bakit si Sis. Patricia Fox, wala rin naman kasong kriminal, pero ipina-deport ni P-Duterte sa Australia, period!


◘◘◘


NEGATIBONG REPORT NG BLOOMBERG, NIKKEI ASIA, ASIAN STUDIES AT MOODY’S ANALYTIC SA ‘PINAS, HINDI NAIINTINDIHAN NG MGA DDS—Sa report ng Bloomberg at Nikkei Asia, kulelat ang Pilipinas sa mga nakaka-recover sa COVID-19 pandemic; sa report naman ng ASIAN Studies Centre, kulelat ang ‘Pinas sa pag-response sa laban sa COVID-19 at sa report ng Moody’s Analytic, kulelat pa rin ang ‘Pinas sa mga bansang makakabangon ang ekonomiya dulot ng pandemya.


Malamang, ang mga negatibong report na ‘yan ay hindi naiintindihan ng mga DDS kasi bilib na bilib sila sa tugon ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19, boom!


◘◘◘


BAKA LALONG LUMUBOG SA UTANG ANG ‘PINAS KAPAG MANOK NI P-DUTERTE ANG NAGING NEXT PRESIDENT—Inanunsiyo ng World Bank (WB) na ngayong 2021, na sa mga bansa sa buong mundo, Pilipinas ang top borrower sa kanilang bangko.


Tapos ‘yung mga DDS, nanawagan sa social media na ang kandidato for president na magpapatuloy sa inumpisahan ni P-Duterte ang dapat iboto.


Kapag nangyari na manok ni P-Duterte ang nanalo sa eleksiyon, asahan na lalo pang mababaon sa utang ang Pilipinas, nakupo!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page