top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P-Digong, dedma sa mga mangingisdang Pinoy na nagprotesta kontra China

BULGAR
Jun 13, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 13, 2021


KAILAN MAKIKISIGAW SI P-DUTERTE NG “ATIN ANG PILIPINAS, LAYAS CHINA?”—Sa pagdiriwang mga Araw ng Kalayaan kahapon ay may mga mangingisdang Pinoy na nagsagawa ng protesta sa mga baybaying dagat na may bitbit na Watawat ng Pilipinas at sumisigaw ng “Atin ang ‘Pinas, Layas China” na patungkol nila sa China na sumakop sa West Philippine Sea (WPS).


Ang tanong: Kailan kaya makikilahok si P-Duterte sa pagsigaw ng “Atin ang ‘Pinas, Layas China?” Abangan!


◘◘◘


MGA DDS BLOGGERS, PRO-CHINA KAYA WALANG PAKIALAM SA ISYU NG WEST PH SEA—Kapuna-puna na wala kahit isang DDS bloggers ang nag-post sa social media na nagpapahayag na “Ating ang Pilipinas” at “Layas China sa West PH Sea”.


Indikasyon ‘yan na itong mga DDS ay pro-China kaya wala silang pakialam sa pananakop ng China sa West PH Sea, mga pwe!


◘◘◘


P-DUTERTE, PINAGTAWANAN NG NETIZENS SA IBINIDANG NASOLUSYUNAN NG KANYANG GOBYERNO ANG TRAPIK SA EDSA—Naghagalpakan ng tawa ang netizens sa ibinida ni P-Duterte na nalutas ng kanyang administrasyon ang trapik sa EDSA dahil maluwag nang nakakadaan sa national highway ang mga motorista.


Talagang matatawa ang netizens kasi kaya maluwag na ang daloy ng trapiko sa ngayon ang EDSA ay dahil maraming kumpanya na ang nagsara, kaya ang milyun-milyong Pinoy na dating bumibiyahe ay hindi na bumibiyahe, ‘yung may mga trabaho naman ay karamihan work at home, bukod pa sa ipinaiiral na “no face-to-face class” na ibig sabihin, hindi na rin bumibiyahe ang mga estudyante. Wala nang pumapasok sa eskuwela dahil naka-online class na lang sila.

Ang mga isyung ‘yan ang dahilan kaya wala nang trapik, at hindi ‘yung ibinibida ng pangulo na nalutas na ng gobyerno niya ang trapik sa EDSA, boom!


◘◘◘


MAS MARAMING GINAWANG PANINIPSIP SINA “PING” AT “YORME” KAY P-DUTERTE KAYSA SA PAGPUNA—Hindi itinuturing ni ex-Sen. Antonio Trillanes IV na parte ng opisisyon sina Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Manila Mayor Isko Moreno.


May punto si Trillanes sa sinabi niyang ito kasi sa totoo lang, mas marami pa ang ginagawang paninipsip na pagpuri nina “Ping” at “Yorme” kay P-Duterte kaysa sa pagpuna sa mga maling polisiya ng Duterte gov’t., period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page