top of page
Pokwang.jpg

P-Digong, dedma sa kapalpakan ng PNP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 13, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | January 13, 2021



Inaapura na ng gobyerno ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID ngayong Pebrero.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


Inaabangan ang madugong protesta sa U.S. sa pag-upo ni Joe Biden.


Natulad na rin sila sa ‘Pinas, “walang natatalo sa eleksiyon, mayroon lang nadadaya”!


◘◘◘


Walang ginagawang aksiyon si P-Digong upang muling mapaganda ang imahe ng pulisya.


‘Yan ay malaking problema!


◘◘◘


Matatalo na raw ng AFP-PNP ang CPP-NPA.


Matagal nang propaganda ‘yan!


◘◘◘


Ilang matataas na opisyal ng gobyerno ang namatay dahil sa COVID.


At kapag hindi nag-ingat, darami pa ‘yan!


◘◘◘


Babaguhin daw ang Konstitusyon.


Ito ay upang mapalaki pa ang kulimbat ng mga buwaya!


◘◘◘


Mabagal pa rin ang signal ng internet kahit may ikatlo lang telco.


Isa ring propaganda!


◘◘◘


Dumami na ang tubig sa mga dam.


Bakit mahina pa rin ang tulo ng tubig sa gripo?


◘◘◘


Walang benta ang ilang tindahan.


Simula pa lang ‘yan ng aktuwal na krisis sa merkado!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page