top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P-Digong, aminadong ginamit ang Presidential Power sa pagpapasara sa Dos

BULGAR
Jun 30, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 30, 2022


INAMIN NI P-DUTERTE NA GUMAMIT SIYA NG PRESIDENTIAL POWER PARA IPASARA ANG ABS-CBN—Aminado si P-Duterte na ginamit niya ang kanyang presidential power para huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN network.


Ibang klase, ibig sabihin pala niyan ay pinersonal ni P-Duterte ang Pamilya Lopez na nagmamay-ari ng ABS-CBN, kaya hindi ito binigyan ng Kongreso ng prangkisa, period!


◘◘◘


CARDEMA, ILAGAY NA LANG SA NTF-ELCAC—Kinukuwestiyon ngayon ng Commission on Audit (COA) ang maling paggamit ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema sa higit P2.7 milyong pera ng bayan na laan sa Sangguniang Kabataan Mandatory and Continuing Training Fund, pero inilipat nito sa National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang ahensya ng pamahalaan na tila ang mandato ay mang-red-tag.


Mantakin n’yo, pera na para sa kabataan, isinalin sa NTF-ELCAC?


Aba’y kung ganyang hindi napakikinabangan ng kabataan ang pondong laan para sa kanila, ang dapat gawin ng Marcos administration ay buwagin na lang ang NYC at si Cardema ay italaga na lang sa NTF-ELCAC, period!


◘◘◘


KORUPSIYON SA DUTERTE ADMINISTRATION, HINDI NA NGA NABAWASAN, MAS TUMINDI PA—Napataas ang kilay ng publiko sa sinabi ni P-Duterte na nabawasan ang korupsiyon sa gobyerno sa ilalim ng kanyang administrasyon.


Mapapataas talaga ng kilay ng mamamayan, sa totoo lang ay mas lumala ang korupsyon sa ilalim ng Duterte administration kaysa sa mga nakaraang administrasyon.


Isa sa mga dahilan kung kaya’t lumala ang korupsiyon sa ilalim ng Duterte administration kasi mismong si P-Duterte ang nag-abogado o nagtatanggol sa mga tauhan at kaibigan niyang nasasangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian sa pamahalaan, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page