ni Angela Fernando - Trainee @News | April 28, 2024
Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buo at solid na mga investment sa Cebu bilang pangunahing daan sa pag-unlad at pagpapalago ng ekonomiya sa 'Pinas.
Ibinahagi ni Marcos ang potensyal na P1.5-bilyong investment ng Megaworld na magdadala ng mas maraming trabaho at pamumuhunan sa Cebu.
Sinabi niya ito sa ginanap na Capsule Laying Ceremony ng Mactan Expo Center sa Lapu-Lapu City.
“The government, for its part, will also continue to invest in its success, which is why in 2024, the DPWH is funding about P2.9 billion in infrastructure projects here in Lapu-Lapu City alone,” saad pa ni Marcos.
Samantala, kasama sa mga nasabing proyektong pinangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapalawak ng mga daanan, na makakatulong para sa suliranin sa trapiko sa mga pangunahing kalsada tulad ng Mactan Circumferential Road at Mactan.