ni Angela Fernando - Trainee @News | November 25, 2023
Nagpahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw na sinusuri ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng Scout Rangers regiment upang mabigyan ng mga dapat na kagamitan at suporta.
Itinalaga din ni Marcos ang Department of National Defense (DND) na bantayan ang Scout Rangers upang magkaroon ng bukas na opsyon na makakapagpabuti sa kakayahan at pagiging epektibo ng nasabing unit sa kanilang mga operasyon at makamit ang kanilang mga layunin.
Aniya, sa pagbibigay ng suporta at mga kakailanganin ng Scout Rangers, kasama ang Special Forces Units, mas matutulungan ang Armed Forces sa pagpapalakas ng depensa.
Dagdag nito, mahalagang bigyang prayoridad ang mas maaasahang proteksyon ng 'Pinas.
Saad ng Presidente, habang pinaiigting ang depensa ng bansa, hinaharap din ng pamahalaan ang pambansang suliranin ng pangmatagalang kapayapaan.
Comments