P-BBM, lumipad sa Melbourne para sa ASEAN-Australia Special Summit
- BULGAR
- Mar 3, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | March 3, 2024

Lumipad si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Linggo ng umaga patungong Melbourne, Australia upang dumalo sa ASEAN-Australia Special Summit.
Layunin ng Special Summit na gunitain ang ika-50 anibersaryo ng relasyon ng ASEAN at Australia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Nagpahayag si DFA Assistant Sec. Daniel Espiritu, na ang Special Summit ay isang pagkakataon para sa pamahalaan na ipakita ang pangunahing posisyon ng 'Pinas sa mga panrehiyon at internasyonal na isyu.
Dagdag niya, maaaring hikayatin ni Marcos ang Australia na manatiling nakatuon sa mapayapang paglutas ng mga alitan at panatilihin ang respeto sa internasyonal na kaayusan.
Comments