top of page
Search
  • BULGAR

P-BBM isa sa "100 Most Influential People of 2024” ng Time Mag

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 18, 20244




Nakapasok si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa "100 Most Influential People of 2024" ng Time Magazine.


Kinilala rin ng Time ang mga pagsisikap ni Marcos sa pagbangon ng ekonomiya matapos ang pandemyang dala ng COVID-19 at kung paano muling itinaas ng presidente ang 'Pinas.


Binanggit din ang Chief Executive sa kanyang posisyon sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng tumataas na tensyon sa nasabing rehiyon.


"Bongbong has stood steadfast against Chinese aggression in the disputed South China Sea and bolstered his nation’s alliance with the U.S. in the face of “rising tensions in our region and the world,”" saad sa artikulo ng Time patungkol kay Marcos.


Tinapos ang artikulo sa kung paano sinusubukan ni Marcos na baguhin ang tingin sa pangalan ng kanilang pamilya kasabay ng paghuhubog nitong muli sa bansa.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page