top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Oyo, magaling daw mag-alaga… KRISTINE, 5 NA ANG ANAK, MUKHANG DALAGA PA RIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2022
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 13, 2022




Maraming natuwa sa video post ni Kristine Hermosa sa kanyang Instagram account na sumasayaw kasama ang dalawang anak nila ni Oyo Sotto na sina Kaleb Hans (8 yrs. old) at Marvic Valentin or Vin (6 y/o).


Kasi naman, matagal nang hindi umaarte at sumasayaw sa harap ng TV camera ang magandang wifey ni Oyo, pero kitang-kita na marunong pa rin siyang umindak kaya napa-wow ang mga hipag niya at maging ang mga netizens.


Ang caption ni Tin sa ipinost niyang video ay: “Hello Moms! It’s time to get your kids and join in the fun! Do the #EnfaDanceChallenge, upload and tag @enfagrowph, and get the chance to be featured!”


Siyempre, ang unang nagkomento ay ang ate ni Oyo na si Danica Sotto-Pingris, “Luveeettt! More!”


Sinundan naman ng wifey ni Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto na si @joywsotto, "Cute n'yo!

(heart emoji)"


Ang aktres na nakasama ni Kristine sa maraming TV series tulad ng Gimik, Ang TV, Sana’y Wala Nang Wakas, Sa Sandaling Kailangan Mo Ako at Nagbibinata na si @kaye_abad, nagkomento ng “Ang sexy!”


In fairness, napanatili rin naman ni Kaye ang pigura niya kahit may dalawa na silang anak ni Paul Jake Castillo at mas ginusto na rin nitong manatili sa Cebu kung saan nandu'n ang negosyo ng dating aktor.


At siyempre, ang current wife ngayon ng Daddy Vic Sotto nina Oyo at Danica na si @pauleenlunasotto ay hindi rin napigilang hindi magkomento, “Sexy naman!!”


Pinuri naman ng netizen na si @rosarioyangoberhauser ang pagpapalaki ng mag-asawang Oyo at Tin sa kanilang mga anak. Aniya, “Halatang mga disiplinado ang mga anak! Ganda pa rin ng Mami. (thumbs up emoji)"


Nagulat naman si @marveylovey, “Hala, paano na-maintain ng ganyan ka-sexy samantalang 5 na anak? OMG, grabe, mukhang dalaga pa rin.”


Sabi rin ni @wangongbak, “Walang kakupas-kupas. Ganda-ganda at sexy-sexy pa din.”


Iisa lang ang ibig sabihin niyan, masaya si Kristine sa buhay niya at mahusay mag-alaga ng asawa si Oyo.


May request naman si @produ30ako, “Lodi, puwede bang gawa ka ng YouTube ​channel mo? Make sure ang dami talagang susuporta at manonood ng YouTube Channel mo. Mas lalo 'yung mga diehard fans mo, isa na ako ru'n.”


Ang magandang komento ni @lynefit, “You're so, so classy mom and kids are so cute.”


Sa ngayon ay nag-e-enjoy ang mag-asawang Oyo at Tin sa pag-aalaga sa kanilang limang anak at hindi nila pinalaki ang mga ito na laging gadgets ang bitbit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page