OWWA Center para sa mga marino, bukas na sa Iloilo

ni Gina Plenago @News | November 29, 2026

Photo: PCO
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng Seafarers’ Welfare Center ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Iloilo City, ang kauna-unahan sa Visayas at ikatlo sa bansa.
Kasama ng Pangulo sina Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan.
Layunin ng pasilidad na ilapit sa mga Pilipinong marino at kanilang pamilya ang mga programa, benepisyo at serbisyong hatid ng OWWA.
Mayroon din itong Alagang OWWA Migrants’ Brew, kung saan maaaring magkape at magpahinga ang mga OFW habang inaasikaso ang kanilang mga transaksyon.





Comments