top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 30, 2025



Photo: Arnell Ignacio - OWWA



Itutuloy na ang pagsasampa ng kaso kay former Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnell Ignacio this week.


Pati ang ilang opisyales ng OWWA ay kasama sa sasampahan ng kaso ukol sa alleged unauthorized P1.4 billion land deal, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.


For a time, tumahimik ang isyung ‘yan kay former admin Arnell. And now, nakatakdang mag-file ng case sa Ombudsman para sa violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019).


For sure, kayang-kayang sagutin ‘yan ni Arnell sa proper venue. 


now ay naghahanda na si Arnell sa promo ng pelikula na Jackson 5 na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.


Top 10 Best Dressed sa SONA…

HEART, LAGLAG SA NO. 1, PIA, KULELAT SA NO. 10


NARITO na ang inaabangang best dressed portion sa katatapos lang na State of the Nation Address ni President Bongbong Marcos, Jr..


Laglag ang kilalang fashionista at wifey ni Senate President Chiz Escudero na si Heart Evangelita sa No. 1 dahil nasa No. 3 ito.


Kinabog si Heart ni Justice Department Undersecretary Margarita Gutierrez.

Parehong white gown ang suot nila. Ang Dubai-based Pinoy designer na si Michael Leyva ang gumawa ng Filipiniana terno ni Heart, habang si Jaz Cerezo naman ang tumahi ng gown ni Usec. Margarita.


Nasingitan pa si Heart sa No. 2 ng misis ni Senator Sonny Angara na si Tootsy. Bonggacious din kasi ang Filipiniana white gown ni Tootsy na gawa ng mahusay na si Rajo Laurel.


Pang-apat si Cong. Badette Barbers sa suot niya mula sa designer na si Ivarluski Aseron.


Pang-lima si Jaja Chiongbian Rama in Cary Santiago dress. 


Next si Emmeline Aglipay Villar na made by Ivarluski Aseron ang gown. 

Pang-pito ang misis ni Cavite 1st District Cong. Jolo Revilla na si Angel Revilla sa kanyang blue Filipiniana gown made by Rob Ortega.


Then, pang-walo si Cong. Queenie Gonzales na ang gown ay gawa ni Jo Rubio. 

Pang-siyam naman si Kate Galang Coseteng na suot din ang gawang gown ni Jo Rubio.


Ang pang-sampu ay si Pia Wurtzbach na mala-Channel ang gawa ng kanyang gown.


Naging kamukha raw ni Pia si Kuh Ledesma sa kanyang awrahan sa SONA.

Say ng ibang netizens sa Top 10 Best Dressed sa SONA, “Grabe siguro restraint ni

Heart, walang suot na alahas. Haha! At super-gaan ng aura niya infer. Love also Ms. Tootsy.”


“I like Heart’s other gown, but the one above is suitable for the occasion. Hindi agaw-eksena.”


“NGL, ‘yung outfit ni Pia is giving kurtina ni Lola sa bahay.”


“Margarita and Heart are so elegant!”


“Love Pia’s look. Always naman timeless elegant style ni Tootsy. Agree with the top choice.”


So, ‘yun!

 
 

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023



ree

Hiniling ng kapatid na OFW ng pinaslang na Pinay nurse sa Israel na si Angelyn Aguirre na maiuwi sa bansa ang kanyang mga labi.


Nasawi si Angelyn sa bahay ng kanyang amo nang umatake ang Hamas nu'ng Oktubre 7, 2023.


Maayos na nakauwi sa bansa ang kapatid ni Angelyn na si Angenica Aguirre kamakailan ngunit hindi niya magawang tuluyang magsaya dahil naiwan pa sa Israel ang mga labi ng kanyang kapatid.


Aniya, huli silang nagkitang magkapatid halos pitong araw bago ang pag-atake ng Hamas kung saan napatay nga si Angelyn sa tahanan ng kanyang amo.


Dagdag niya, meron silang palitan ng pag-uusap mismong araw ng Oktubre 7.


Ninanais ni Angenica na maiuwi na ng 'Pinas ang bangkay ng kapatid upang maayos nila itong maipagluksa.


Inaasahang darating ang mga labi ni Angelyn sa bansa bukas, Nobyembre 4.


Sa kabilang banda, inaayos naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tulong-pinansiyal na matatanggap ng pamilya Aguirre.

 
 

ni Lolet Abania | April 30, 2022


ree

Magbubukas na ang kauna-unahang ospital na nakatuon sa mga overseas Filipino workers (OFWs), na matatagpuan sa San Fernando City, Pampanga, matapos na si Pangulong Rodrigo Duterte ay inspeksyunin ito sa Linggo, Mayo 1, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Sabado.


Sinabi ni DOLE Usec. Benjo Benavidez, ang polyclinic ng OFW Hospital ay bubuksan para sa outpatient services sa Lunes, Mayo 2.


Ang mga serbisyo ng ospital ay libre para sa mga OFWs, kabilang na rito ang kanilang mga dependents.


Ayon kay Benavidez, walang limit sa bilang ng mga dependents na maaari ring mag-avail ng mga serbisyo, hangga’t ang mga migrant worker ay naka-register sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Aniya pa, mayroong 100-bed hospital na bukas araw-araw para sa mga kuwalipikadong pasyente.


Matatandaan na nitong pagpasok ng taon, ang DOLE ay nakipag-partner sa Philippine General Hospital (PGH) para sa pamamahala ng nasabing ospital sa mga OFWs.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page